Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aljur, maaayos na ang acting sa paglipat sa Dos

HINDI na ini-renew ng GMA 7 ang kontrata sa kanila ni Aljur Abrenica noong nag-lapse ito, March this year. Hindi na kasi sila interesado sa serbisyo ng aktor after itong magsalita ng laban sa kanila.

Dahil nga wala ng kontrata si Aljur sa Kapuso Network, kaya nagdesisyon siyang lumipat na lang sa kalabang estasyon, ang ABS-CBN 2.

Kamakailan ay nakita si Aljur sa production office ng Kapamilya Network, na may ka-meeting doon. Abangan na lang natin kung mapapanood na rin ba sa Dos si Aljur. Kukunin kaya siya rito o hanggang meeting lang siya?

Remember, magagaling ang mga actor na nasa pangangalaga ng Dos at alam naman natin na itong si Aljur ay hindi pa rin ganoon kahusay umarte, ‘di ba? Pero malay natin, baka kapag nasa Dos na si Aljur ay maging mahusay na rin siyang aktor. Knowing ABS-CBN na ‘yung mga lumipat sa kanilang mga artista from GMA 7, na hindi nabigyan ng magaganda at challenging roles, ay nabigyan naman nila, gaya nina Angel Locsin at Paolo Avelino, na naging dahilan para maipakita na may nalalaman din pala sila sa pagganap, ‘di ba?

At dahil nga sa ABS-CBN 2 kaya nakatanggap na sila ng acting awards. Baka ganoon din ang mangyari sa kaso ni Aljur kapag napunta na siya sa Dos.

(ROMMEL PLACENTE)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …