HINDI pa man nagsisimula ang MMFF 2017 ay may kontrobersiyal na agad ito. Nag-resign kasi bilang isa sa members ng executive committee nito si Roland Tolentino. Hindi niya tanggap ang apat na pelikulang napili para mapasama saMMFF 2017, na ang mga ito ay ang Ang Panday, Almost Is Not Enough, The Revengers, at Love Traps #Family Goal.
Sa kanyang Twitter post, sinabi ni Roland na, ”Mga mads, may confidentiality clause sa MMFF. Don’t ask me to explain. The results of the script selection speak for itself.
“Patunay ang MMFF script selections na tunay ang hidwaan ng komersiyal at kalidad, tunay din may kapangyarihan ang komersiyal interes.”
Inihayag din ng dating MMFF 2017 Execom member na naitsapuwera ang indie sa lineup ng festival ngayong taon.
“Patunay ang MMFF script selections na walang interes burahin ang indie at mainstream distinksyon. Ang nabura, ang indie.”
MA at PA – Rommel Placente