KINUHA namin ang reaksiyon ni Romnick Sarmenta kung ano ang masasabi niya na isasapelikulang, Gulong Ng Palad? ‘Pag binanggit mo kasi ang titulong ito, papasok agad sa isip mo si Romnick bilang si Peping.
Kung halimbawang alukin siya ng Cineko Productios, ano ang role na gusto niyang gampanan? ‘Yung papel ba ni Ronald Corveau?
“Ay hindi po. Love interest po ‘yun, eh!,” tugon niya nang makakuwentuhan namin siya sa Salu Restaurant sa Sct. Torillo, QC.
“Hindi siguro kay Ronald kasi feeling ko mas love interest ang angle niyon, eh! Para sa akin, hindi siya kapani-paniwala dahil alam naman ng lahat lima ang anak ko, may asawa na ako.
“Siguro si Tatay Tomas, ‘yung role ni Tatay Augut (Augusto Victa),” sambit pa ni Romnick.
Binanggit din kay Romnick na sequel ang gagawin.
“Siguro, kailangan nilang i-tackle ‘yung apat na magkakapatid. Pamilya ni Luisa, pamilya ni Nene, pamilya ni Totoy, at pamilya ni Peping,” saad niya.
Pabor ba siya na ibalik ang Gulong Ng Palad?
“Ang hiling ko lang bilang part ng ‘Gulong Ng Palad’ ay gandahan nila ‘yung pagtahi-tahi ng istorya kasi marami sa amin …marami ang natutuhan dun, ‘yung values ng family.
“Ako, lumaki ako sa ‘Gulong Ng Palad’ na akala ko extended family ko sila. Hindi ko alam na artista ako, eh. Na-realize ko na artista ako medyo pumapasok na ako sa school, eh,” dagdag pa niya.
Fourty five years old na ngayon si Romnick at apat na taon lang siya noong gawin niya ang Gulong Ng Palad.
Nang malaman niyang si Laurice Guillen ang magdidirehe ay umokey na siya at napanatag na ang loob niya dahil alam niyang dekalibreng director ang hahawak.
TALBOG – Roldan Castro