Friday , November 15 2024

2-Day coding ng MMDA kaginhawaan nga ba?

IN FAIRNESS sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ginagawa nina Chairman Danilo Lim (retired AFP general) at general manager Tim Orbos, ang lahat para mapabuti ang matin-ding problema sa trapiko sa Metro Manila.

Bago umupo si Lim, isa sa naging hakbangin ni Orbos na makatutulong sa problema ang pag-aalis ng “window hour,” 10:00 am to 3:00 pm para sa number coding. Ibig sabihin nito, ang co-ding ay simula 7:00 am hanggang 7:00 pm.

Ngunit, sa kabila pa rin ng unang hakbangin, tila walang ipinagbago ang problema sa trapiko – heavy traffic pa rin araw-araw. Katunayan, extended na nga rin hanggang 8:00 pm ang coding.

Araw-araw din nililinis ng MMDA ang “Mabuhay Lanes” pero ang masaklap, napakarami pa rin tayong mga kababayan na matitigas ang ulo. Pagkatalikod ng mga naglilinis, back to normal ang mga kababayan natin. Ginagawang garahe ang kahabaan ng Mabuhay Lanes.

Ang nakatatawa pa nga rito, inaaway pa nila ang mga tauhan ng MMDA sa paghila (towing) ng kanilang mga nakaiistorbo sasakyan samantala hindi naman lingid sa kanilang kaalaman na ba-wal gawing garahe o extension ng bahay ang lansangan.

Naniniwala naman ang inyong lingkod na hindi lingid sa kaalaman nang lahat na ginagawa ng MMDA ang makakaya nila para maayos ang problema sa trapiko sa Metro Manila.

Iyon nga lang, sadyang maraming ‘bobong mayayabang’ na kababayan natin na mahilig magmagaling. Sila na nga ang mali, sila pa itong may ganang pagmumurahin ang mga tauhan ng MMDA na naglilinis sa mga sagabal na sasakyan sa mga lansangan lalo sa Mabuhay Lanes.

Pero kahit paano naman, ang mga hakbangin ng MMDA ay nakatulong din. Bumaba nang kapiranggot na porsiyento ng problema sa trapiko. Meaning, sakit sa ulo pa rin nina Lim at Orbos ang sobrang mabagal na paggalaw ng mga sasak-yan sa mga pangunahing kalsada lalo sa EDSA.

Ngayon, nabuhay uli ang planong gawing dalawang araw ang number coding. Nilinaw ng MMDA, plano lang ito. Open din ang ahensiya sa anomang suhestiyon na makatutulong sa problema.

Sa loob ng isang linggo, dalawang araw nang hindi magagamit ang sasakyan.

Oo, sa halip na isang araw ay magiging dalawa na ito.

Aba’y wala tayong nakikitang masama sa pla-no ng MMDA. Tutal plano o suhestiyon lang nila ito sa publiko. Kung sakaling papabor ang mana-nakay at motorista sa nais ng MMDA, masasa-bing malaki ang maitutulong nito. Tiyak na luluwag kahit paano ang mga lansangan. Dalawang araw ba naman – aba’y tiyak na daan-daan o aabot nang libo marahil ang sasakyang mawawala sa lansangan. Parang holiday araw-araw.

Pero hindi pa man, umani na ng batikos ang plano ng MMDA sa kabila na nakikitang malaki ang maitutulong ng 2-day coding. Malaking kabawasan kasi ito sa bilang ng mga sasakyan sa mga lansangan ng Metro Manila.

Sa kasalukuyan, nasa 2.5 M ang registered vehicles sa MM samantala 5% lang ang size ng lansangan ng MM sa kabuoan ng mga lansangan sa buong bansa. Kaya hindi na nakapagtataka kung bakit problema ang trapiko sa MM.

Akalain ninyo, 2.5 milyong sasakyan na nagsisiksikan sa MM.

Pero para bang sinasabi ng nakararaming vehicle owners sa MM na “E anong pakialam namin. Problema ng MMDA iyan at hindi ng mga motorista. Kaya nga bumili kami ng sasakyan para sa kaginhawaan pagkatapos ay lilimitahan pa ang paggamit!?”

May punto ang mga bumabatikos lalo na’t lagi namang pumapalya ang MRT at LRT. Kumbaga, sana ayusin muna ang public transport mula sa gobyerno at saka nila ipatupad ang planong 2-day coding at iba pa.

Anyway, salamat pa rin sa MMDA dahil na-kikita natin na ginagawa nila ang lahat pero, tila laging kulang.

Chairman Lim at Gen. Mgr. Orbos, maraming salamat pa rin sa effort ninyo pero paano iyan hindi katanggap-tanggap ang planong 2-day co-ding. Esep-esep pa. Hindi raw kaginhawaan ang 2-day coding lalo sa mga iisa lang ang sasakyan. Hindi tulad ng ilang opisyal sa gobyerno na maraming sasakyan at service ng pamahalaan na puwede nilang gawin family service.

Esep pa more mga sir!

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *