PINAG-UUSAPAN ang tatlong MMFF execom members na nag-resign pagkatapos ianunsiyo na pasok na ang apat na pelikula sa Metro Manila Film Festival 2017. Ito’y sina Rolando Tolentino, Ricky Lee, at Kara MagsanocAlikpa. Marami ang nagtatanong kung bakit?
“Sa mga nagtataka at nagtatanong kung bakit ako nag-resign bilang miyembro ng Execom ng MMFF, simple lang naman ang sagot. Noong una pa man nang pumayag akong sumali, nag-decide na ako na mag-i-stay lang ako kung ipagpapatuloy nito ang nasimulan nang reforms ng 2016. Sa nagiging takbo ng mga pangyayari ngayon ay mukhang malabo na iyon mangyari. Kaya wala na ring dahilan para mag-stay pa ako,” post ni Lee sa kanyang Facebook account.
Ang apat na pelikulang pumasok ay pawang commercial at mainstream movie gaya ng Ang Panday ni Coco Martin, Almost Is Not Enough nina Jericho Rosales atJennylyn Mercado ,The Reveners nina Vice Ganda, Daniel Padilla, at Pia Wurtzbach, at Love Traps #Family Goals nina Vic Sotto at Dawn Zulueta.
Sinasabi nila na bumalik na naman ang tradisyon sa MMFF. Pero mas maigi na ito kaysa nakaang resulta sa takilya ng MMFF na puro indie ang ipinalabas. I-sure na lang na may quality ang unang apat na pelikula na napili dahil ‘yan naman talaga ang gustong panoorin ng mga bata sa Pasko.
Boom!
TALBOG – Roldan Castro