Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: OFW nanaginip na HIV positive

Dear Señor H,

Ano po ba ibig sabihin ng panaginip ko na may HIV daw ako at pinauwi daw ako ng Pinas? Ang totoo ‘di naman ako nakipag-sex dito at busy nga sa trabaho, bakit ganun ang panaginip ko? – ADZ IAN KHO

To ADZ IAN KHO,

Kapag nanaginip na mayroon kang sa-kit o karamdaman, ito ay nagsasaad ng despair, unpleasant changes, or some emotional breakdown.

Maaaring ito ay symbolic ng iyong inabi-lity to cope with a situation. Nakikita mo na ang pagkakasakit is an easy way out. Sa mas direktang isinasaad nito, ang panagi-nip na ito ay maaaring senyales din o nagpapaalala sa iyo na dapat bantayan nang mas maigi ang iyong kalusugan, lalo sa lugar na apektado o konektado sa napanaginipan mo.

Sa partikular na ganitong panaginip, na mayroong terminal illness or disease, maaaring nagsasaad na ikaw ay nabubuhay on ‘borrowed time.’

Ang panaginip na ganito ay nagpapaalala rin sa iyo na ang buhay ay lubhang mahalaga and that you need to make the most of your time everyday.

Alternatively, ang ganitong panaginip din ay nagsasaad ng hopelessness, grief and self-pity. Makabubuting alamin kung anong area sa iyong buhay ang nagiging rason ng ganitong pakiramdam.

Kung nanaginip naman na may HIV o AIDS, nagpapakita ito na ang iyong psychological integrity is being attacked. Pakiwari mo, ikaw ay defenseless, weak, at powerless.

Kung sa panaginip mo, ang iyong partner ay may ganitong karamdaman, nagsasaad ito na ikaw ay nasa isang unhealthy o destructive na relasyon. Mayroong bagay na hindi ninyo sinasabi sa isa’t isa.

Kapag nanaginip na may taong may HIV o AIDS, nagpapakita ito ng pangangaila-ngan mong mas maging compassionate at sympathetic sa ibang tao.

Alternatively, ang ganitong panaginip ay maaaring isang pun on “aid.” Maaaring may taong nangangailangan ng tulong mo sa isang bagay. Maaari rin naman na ang bu-ngang-tulog mo ay bunsod ng pangamba ng posibilidad na magkaroon ng STD, kaya naging ganyan ang tema ng panaginip mo.

Kahit hindi mo ginagawa na makipag-sex sa iba posibleng nasa subconscious mo iyon dahil pumapasok sa isip mo na tigang ka o dahil tigang ka talaga sa sex. Mabuti naman iyan, dahil aware ka sa posibilidad na consequence kung hindi mag-iingat at basta-basta na lang sasabak sa sex. Señor H

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …

FGO Logo

Libreng seminar ng FGO Herbal Foundation

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Magandang araw po! Ang FGO Herbal Foundation ay …

Jennifer Boles

Jhen Boles deadma sa paninirang natatanggap

MATABILni John Fontanilla IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si  Jennifer Boles ang mga taong …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

NUSTAR Online Sinulog

NUSTAR Online binigyang parangal Pista ng Sinulog, nagbigay-serbisyo sa mga taga-Talisay

HABANG ang mga kalsada sa Cebu ay buhay na buhay sa sayawan, kantahan, at bonggang …