Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Kailangan na sigurong magkaroon ng Commission on Criminal Rights?

BATAY sa konsepto ng pagbubuo sa Commission on Human Rights (CHR), sila ay nakabantay umano sa mga kaso ng paglabag sa political at civil rights na ang lumalabag ay government agencies o government official or employees.

Kaya kung ang perpetrator ay walang kaugnayan sa alinmang ahensiya ng pamahalaan, tahimik ang CHR.

Tahimik na tahimik…

Puwes kung hindi nila ito trabaho, dapat pala magtayo ng Commission on Criminal Rights (CCR) baka sakaling mabalanse ang pagtingin ng publiko at ng mga opisyal mismo ng gobyerno sa mga sibilyan na gumagawa ng walang pangalawang paglabag sa karapatang pantao — gaya ng panggagahasa, pagpatay at pang-aagaw sa maliligayang sandali sa buhay — na naranasan ng isang pamilya sa City of San Jose del Monte, Bulacan nitong nakaraang linggo.

050317 gascon CHR

Hindi biktima ang poprotektahan ng CCR kundi ang mga suspek. ‘Yan baka sakali kumibo at mag-ingay ang CHR kapag ganyan na ang nangyari.

Nagtataka ang maraming mamamayan kung bakit hindi kumikibo ang CHR — at ‘yun nga ‘e dahil hindi umano nila trabaho iyon. Sila ay para sa mga government agencies, officials and employees na sangkot sa paglabag sa political at civil rights ng isang simpleng mamamayan.

Puwes, ang puwede palang ireklamo diyan sa CHR ay ‘yung mga pulis o local authority na tila napakakupad kumilos para mahuli agad ang mga suspek sa karumal-dumal na pagpatay sa nasabing pamilya?

Mantakin naman ninyo, ilang araw na ang nakalipas matapos ang karumal-dumal na pagpaslang sa isang pamilya pero hanggang ngayon, isang sinto-sintong suspek na mukhang fall guy pa ang naihaharap sa media?!

Pinagsasalita sa harap ng telebisyon nang walang abogado? Hindi ba’t grounds iyon para mabalewala ang kaso, ‘yung pagkaitan ng karapatan ang suspek?

‘Yan tiyak na masisilip ng CHR ‘yan. ‘Yung hindi binigyan ng abogado ang suspek.

Hay naku!

Balintuwad talaga ang sistema dito sa Filipinas.

Kaya nga mismong si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte halos mabuang sa kaiisip kung  bakit naghihinagpis ang CHR kapag may napapatay na drug addict at drug users.

Pero kapag adik na pumaslang ng isang buong pamilya, hindi sila nagsasalita?!

Ano ‘yun? May tapa ojo ba ang mga taga-CHR?!

O baka naman ang CHR na mismo ang gustong maging Commission on Criminal Rights (CCR)?!

What d’ya think Commissioner Jose Luis Martin “Chito” Gascon?

SPECIAL LANE PARA SA SENIOR
CITIZENS, PWD AT PREGNANT WOMEN
HINDI INIRESPETO NG BUNTIS
NA TELLER SA BDO INTRAMUROS

070317 BDO intramuros

NALUNGKOT tayo sa isang insidente nitong Biyernes ng hapon na naikuwento sa atin na kinasasangkutan ng isang buntis na teller diyan sa BDO Intramuros.

Gusto sana nating palampasin ang kagaspa-ngan ng asal ng buntis na teller, kasi nga buntis siya, pero mukhang kailangan siyang mapaalalahanan, kasi baka paulit-ulit na niyang ginagawa ito.

(Actually, maraming BDO clients ang may obserbasyon na namimili ng kliyente ang nasabing teller. Mahilig siguro sa pizza kaya laging mataas ang blood sugar level?!)

Nagkataon kasi na ang nasabing teller ay nakatao sa special lane para sa senior citizens, persons with disability (PWD) at pregnant women.

Unang-una dahil sa kanyang kalagayan, siya dapat ang nakauunawa at kinakailangang maging considerate sa kapwa, kasi nga buntis siya.

Pero nitong Biyernes ng hapon, tahasang ipinakita ng buntis na teller, tawagin natin siyang Mrs. R as in ‘respect no more’ — na siya mismo ay walang konsiderasyon sa mga taong dapat na nasa special lane kagaya niya.

Umupo sa nasabing special lane ang isang PWD na magwi-withdraw at magbabayad ng kanyang dues.  Pero imbes estimahin, pinagsabihan ni Mrs. R na lumipat sa regular lane, kasi maikli naman na raw ang pila.

Ang kaigihan rito, the PWD happens to know her rights under the Republic Act (RA) 9442 na kilala sa tawag na Magna Carta for Disabled Persons and for Other Purposes.

Kaya nagsalita ang PWD na talagang nagtitimpi sa kabastusan ng teller, sabay hawak sa signage na nagsasabing PRIORITY SERVICE sa SC, PWD & pregnant wowen, “Priority kami, hindi ba? Sa BDO ba, hindi?!

Pero talagang, may kakapalan ang mukha ng buntis na teller, imbes mag-sorry humirit pa sa tonong nagbabanta, “Hindi naman, pero kayo rin, baka lalo kayong matagalan.”

Wattafak!

Daig pa ang manager ng BDO Intramuros kung makaasta?!

Next in line ka ba, Mrs. R? Aba ‘e kung next in line ka dapat mag-isip-isip ang management ng BDO.

Mabuti na lamang at hindi kasing bastos at inconsiderate ni Mrs. R ang iba pang teller sa BDO Intramuros, kaya sinabi ni Miss Unique sa PWD na, “Ma’m wait lang po ha,” with a smile.

Sinagot naman siya ng PWD ng, “Okey lang,” of course with a smile rin.

Ganoon lang kasimple, ‘di ba? Puwede namang maghintay ang importante nasa special lane siya dahil para naman sa kanila ‘yun at hindi kailagang itaboy.

Ano ang layunin ng buntis na teller bakit niya itinataboy ang PWD sa regular lane? Kahit pa nga maikli ang pila sa regular, ang pinag-uusapan dito, they are entitled for special lane para sa kanila.

Kanino ba inilalaan ni Mrs. R ang BDO special lane for senior citizens, PWD and for pregnant women?! Mayroon ba siyang espesyal na kliyenteng pinaglalaanan ng nasabing lane?!

Sabihin na nating konsiderasyon ng banko na idaan sa nasabing special lane ang bigtime clients nila, pero wala pa rin karapatan ang buntis na teller na si Mrs. R, na magtaboy ng mga karapat-dapat sa nasabing pila.

By the way Mrs. R ng BDO Intramuros, alam mo ba kung ano ang penal and administrative sanctions ng RA 9442 kapag patuloy mo itong nilalabag?!

Alinsunod sa RA 9442 Sec. 46. Penal Clause. – Any person who violates any provision of this Act shall suffer the following penalties:

(1) For the first violation, a fine of not less than Fifty Thousand pesos (P50,000) but not exceeding One hundred thousand pesos (P100,000) or imprisonment of not less than six months but not more than two years, or both at the discretion of the court; and

(2) For any subsequent violation, a fine of not less than One hundred thousand pesos (P100,000) but not exceeding Two hundred thousand pesos (P200,000) or imprisonment for not less two years but not more than six years, or both at the discretion of the court.

© If the  violator is a corporation, organization or any similar entity, the officials thereof    directly involved  shall be liable therefore.

Upon filing of an appropriate complaint, and after due notice and hearing, the proper authorities  may also cause the cancellation or revocation of the business permit, permit to operate, franchise and other similar privileges granted to any business entity that fails to abide by the provisions of this Act.

Ngayon Mrs. R ng BDO Intramuros, naisip mo na ba kung ano ang implikasyon sa buhay mo at sa negosyo ng kompanyang pinag-eempleyohan mo ang pagtataboy sa isang PWD na pumila siya sa regular lane at hindi sa special lane na nakalaan para sa kanila?

You should know by now dahil kung hindi, ikaw ang magiging dahilan kapag iniutos ng hukuman na isara ang kompanya ninyo dahil sa paglabag sa RA 9442.

Gets mo na, Mrs. R?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *