Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drugs dead

Drug pusher tigbak sa parak

PATAY  ang isang hinihinalang drug pusher makaraan makipagbarilan sa mga pulis sa buy-bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Caloocan police chief, S/Supt. Chito Bersaluna ang napatay na si Niño Maruso, residente sa Libis Talisay, Brgy. 12, ng nasabing lungsod.

Ayon kay Bersaluna, dakong 11:50 pm, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Team ng Police Community Precinct (PCP)-2, sa pa-ngunguna ni Insp. Alfredo Remetio, sa bahay ng suspek. Agad natunugan ng suspek na mga pulis ang kanyang ka-transaksiyon kaya’t pinaputukan ang mga awtoridad ngunit walang tinamaan.

Napilitang gumanti ng putok sina PO1 Cris Albert Pirmejo at PO1 Ronnel Yambao hanggang tamaan si Maruso na nagresulta sa kanyang kamatayan.

Narekober ng pulisya sa suspek ang isang kalibre .38 revolver,  tatlong plastic sachet ng shabu, isang plastic sachet ng marijuana at drug paraphernalia.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …