Tuesday , December 24 2024

Special Report: Digong in the Palace (Part 3) Administrasyong bago trabahong beterano

DIGMAAN LABAN
SA NARCO-TERRORISM

MAHIGIT isang buwan nang umiiral ang martial law sa buong Mindanao at ayon kay Pangulong Duterte hindi niya ito babawiin hanggang hindi napapatay ang huling terorista sa rehiyon.

Bago ito’y paulit-ulit na sinasabi ng Pangulo ang malakas na pagtutulak ng illegal drugs sa Mindanao ang nagpopondo sa terorismo.

Giit niya, nagpalakas ng puwersa ang teroristang grupong Maute/Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa pananahimik ng administrasyong Aquino kontra-terorismo.

063017 duterte gun

Inaasahan ng gobyernong Duterte ang pag-atake ng Maute/ASG/ISIS kaya’t iti-nodo ang mga operasyong militar sa kanilang mga baluwarte, sa Lanao, Jolo at Basilan, ayon kay National Security adviser, Secretary Hermogenes Esperon.

Binomba ng Maute ang Davao City noong Setyembre upang mailihis ang atensiyon ng militar palayo sa kanilang mga kuta.

Sa “surgical operations” ng AFP Western Mindanao Command (WestMinCom) sa tulong ng tropang Amerikano sa Butig, Lanao del Sur, malubhang nasugatan ang itinuturing na East Asia ISIS Emir na si Isnilon Hapilon nang bagsakan ng bomba ng FA-50 jets ang lungga ng ASG.

062917 Esperon Duterte

PNP Supt. NOBLEZA
SLEEPING
WITH THE ENEMY

BUMAHA nang  milyon-milyong dolyar ang ayuda ng ISIS kay Hapilon kaya’t nagtangka muli silang magsagawa ng squid tactic. Ma-tagumpay na naunsiyami ng AFP at PNP ang balak nilang pag-atake sa Bohol.

Nadakip ng mga awtoridad si PNP Supt. Cristina Nobleza kasama ang nobyong ASG member na si Renierlo Dongon nang tangkain nilang iligtas ang mga tinutugis na terorista sa Bohol.

042617 NOBLEZA dongon

Nakatalaga si Nobleza bilang deputy chief  ng PNP Crime Laboratory office sa Davao Region at batay sa imbestigasyon, regular siyang nakatatanggap ng pondo mula sa ISIS sa Middle East.

“We came out stronger,” ani Esperon matapos ang mga pagsubok sa war on terror sa Filipinas.

Isinulong ng gobyernong Duterte ang pagkakaroon ng trilateral agreement kontra-terorismo at piracy ng Filipinas, Malaysia at Indonesia sa layuning sabay-sabay na harapin ang banta ng ISIS sa Timog Sila-ngang Asya sa pamamagitan ng joint border patrol.

NAWALA ANG TENSIYON
LABAN TULOY
SA SOUTH CHINA SEA

102216-duterte-china-usa

KOMBINSIDO si Pangulo Duterte, ang US ang nagpapainit sa isyu ng South China Sea, isinusubo ang Filipinas sa giyera pero ayaw naman pigilan ang China sa pagtatayo ng estruktura sa mga pinag-aagawang teritoryo.

Hindi pinatulan ni Duterte ang panunulsol ng Amerika para suwagin ang China, bagkus ay lalo siyang nakipagkaibigan sa Beijing. Kung talaga aniyang gusto ng Amerika na bantayan ang freedom of navigation sa SCS at pigilan ang militarisasyon sa lugar ay noon pa dapat nila si-naway ang China dahil matagal namang nakahimpil sa Asya ang US warship na Seventh Fleet.

Para sa top spook, wasto ang diskarte ni Duterte, pansamantalang isinantabi ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA ) na sakop ng bansa ang 200-mile EEZ — ang Panatag Shoal.

Nagresulta ito sa mas maraming ganansiya para sa bansa dahil muling sumigla ang kalakalan sa China ngunit ang isyu ng soberanya ay kinikilala pa rin at isusulong sa tamang panahon.

EKONOMIYA LUMAKAS
SA KABILA
NANG PAGMUMURA

011217 duterte money

SA halip magtaboy, nakaakit nang mas maraming mamumuhunan ang madalas na pagmumura at pagbabanta sa mga kriminal ni Pangulong Duterte.

Sa katunayan, ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, tumaas nang 5% ang mga negosyong pumasok sa bansa, 273 mula sa 261 noong Hulyo hanggang Disyembre 2016, karamiha’y galing sa Canada, China, Japan at Russia. Sa 21 foreign trips ni Pangulong Duterte sa loob ng isang taon na ginastusan ng P300-M, aabot sa mahigit $35 bilyon ang ganansiya ng Filipinas.

MODERNONG
“MOUTHPIECE”
NG ADMINISTRASYONG
DUTERTE

HINDI na mapag-iiwanan ang pasilidad ng state-controlled media sa malalaking networks sa loob at labas ng bansa, ayon kay Communications Secretary Martin Andanar.

Dinatnan niya ang PTV 4 na 25,000 watts ang broadcast pero ngayon ay 55,000 watts na at magbubukas na sa su-sunod na buwan ang PTV sa Cordillera, sa Davao at Salaam Television .

Radyo Pilipinas na ang tawag sa dating Radyo ng Bayan at makabagong equipments na rin ang ginagamit, maging ang DZRM Radyo Magasin, “general information station.”

Hindi pahuhuli ang FM stations 104.3 FM2 na pawang throwback music at ang 87.5 FM1 na mapapakinggan ang “hottest music.”

091216-duterte-andanar

Maayos at up to date na ang mga balita sa Philippine News Agency (PNA) at Philippine Information Agency (PIA) websites.

Mula nang magsimula ang gobyernong Duterte, umabot sa isang milyon ang followers ng PCOO sa iba’t ibang social media sites.

Iniere noong nakaraang buwan ang bagong TV show sa PTV4 ni Pangulong Duterte na “Mula sa Masa Para sa Masa” kasama ang seasoned TV journalist na si Rocky Ignacio.

Sabi ni Andanar, layunin ng palatuntunan na maihatid nang direkta ang Pangulo at ang kanyang mga mensahe sa masa gaya nang nakagawian niya noong alkade pa ng Davao City sa programang “Gikan sa Masa, Para sa Masa” sa radio at telebisyon sa lungsod.

Maraming pagka-kataon na naging kontrobersiyal ang mga pahayag ni Pangulong Duterte, ayon kay Andanar, kapag talagang hindi nila naiintindihan ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, “we go to the Special Assistant to President, tapos inililinaw namin kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng kanyang pahayag. And usually naman, it is the President himself who really explains kung anong nangyari.”

ni Rose Novenario

About Rose Novenario

Check Also

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *