Sunday , December 22 2024

Pekeng balita

DAHIL sa kawalan ng propesyonal na kasana-yan, kaalaman sa etika ng pagbabalita at pagiging abot kamay ng teknolohiya para makapagbalita tulad ng smart phones at laptop computer ay dumarami ngayon ang nagkakalat sa social media ng mga impormasyong baluktot o di kaya ay tahasang inimbentong balita na mas kilala sa tawag na fake news o pekeng balita.

Ang mga fake news ang dahilan kaya napakahirap magtiwala sa kalidad ng mga impormasyon na nasasagap natin ngayon mula sa mga babasahin, telebisyon, radyo o paboritong website. Walang duda na ang pagaalinlangan na hatid ng fake news ay nag-aalis sa mamamayan ng kapangyarihan na matalinong makapagpasya o humusga sa mga isyu ng panahon.

May palagay ang Usaping Bayan na unti-unting lumilinaw ngayon na ang layunin ng mga nasa likod nang pagpapakalat ng mga pekeng balita ay palabnawin ang kalayaan sa pamamahayag dahil ito ang pinakamalaking hadlang para kanilang tuluyang makontrol ang lahat ng mga organo ng estado at mamanipula ang opinyon ng bayan.

Ang kalayaan sa pamamahayag, maging ng katotohanan o kabulaanan, ay sagrado at pundamental na kalayaan ng tao. Ito ay isang salalayang moog ng demokrasya sa lipunan dahil sa pamamagitan nito ay nagkakaroon ng kakayahan ang mamamayan na matalinong magpasya at kumilos.

Kung susupilin ang kalayaan sa pamamahayag dahil sa palusot na nagkalat ang pekeng balita ay magtatagumpay ang mga anti-demokratikong puwersa sa kanilang layunin na alisan ng liwanag ang kaisipan ng taong bayan. Palalalain ang sitwasyon at mas magiging grabe ito kompara sa kasalukuyang ginagawang pagkakalat ng fake news kung susupilin ang kalayaan sa pamamahayag.

Ang palagiang pag-aanalisa bunga nang regular na pagbabasa o pakikinig sa iba’t ibang punto sa mga usaping bayan, at ang pagkilala sa mga pinagmumulan ng pekeng balita ang lunas o antidote sa fake news. Sa pamamagitan ng malimit at masinop na pagbabasa mahuhuli kung sino ang nagkakalat ng pekeng balita.

Hindi censorship ang solusyon kundi ang matiyagang pagpapalaganap ng katotohanan. Ang katotohanan ang magpapalaya sa atin mula sa kamangmangan na hatid ng mga pekeng balita. Dapat tayong manalig na may sariling paraan ang katotohanan para mabunyag ito sa sambayanan kaya nga may matandang kasabihan na “walang lihim na hindi nabubunyag.”

Uulitin ko ang sinabi ko sa nagdaang kolum, hanapin natin ang katotohanan, hindi lamang mula sa mga nagsasabi ng mga bagay na ating pinaniniwalaan kundi lalo sa mga hindi natin ibig mapakinggan dahil tiyak ko ang katotohanan ay nasa gitna n ito.

***

Ang palamura raw na asawa ng aktres na si Francine Prieto ay hinarang ng mga immigration officer sa NAIA at pinabalik sa Singapore. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com

Sana ay makaugalian ninyong bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.

***

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.

USAPING BAYAN – ni Rev. Nelson Flores, Ll.B., MSCK

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *