Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Digong suportado all the way ng sambayanan (Kahit hindi maluwalhati sa 12 buwan sa Palasyo)

ALAM nating hindi glorya ang pagwawagi ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa eleksiyon noong Mayo 2016.

Totoong siya ay sinuportahan ng 16 milyong Filipino, pero sabi nga, pagpasok at pag-upo niya sa Malacañang nag-iisa na lang siya.

Ang tanging kasama (sa totoo at tunay na diwa ng pagiging kasama) na lang niya ay mga taong pinagkakatiwalaan niya at nagtitiwala sa kanya, kaisa niya sa paniniwala at kagaya rin niyang nakatuon sa iisang direksiyon.

Kahit ang mga itinalaga niyang miyembro ng Gabinete na kalihim ng bawat departamento ay hindi niya maaasahang makakasama niya sa layuning nakatimo sa kanyang puso dahil may kanya-kanya naman silang gawain.

At ngayong araw, isang taon na nga ang Pangulo sa Palasyo, at inaasahan na siya ay mag-uulat sa nakatakdang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo.

Ang tanong natin, nakapag-ulat na ba ang mga kalihim ng iba’t ibang departmento sa loob ng kanyang Gabinete?!

012717 Duterte

Pinakamainam siguro, na ang mga kalihim ng bawat departamento ay mag-ulat din sa sambayanan kung ano ang ginawa nila sa loob ng isang taon.

Nag-perform ba sila o naglamiyerda?

Kumain lang ba sila at naglakwatsa?

Kumita na ba sila sa mga under the table transactions!? O tinulungan nila si Pangulong Digong sa kanyang layunin na magsulong ng tunay na pagbabago para sa bayan?!

Ang ‘centerpiece campaign’ ni Pangulong Duterte laban sa ilegal na droga, aminin man natin sa hindi, ay masasabing mayroong malaking impact sa kasalukuyan, lalo sa usapin ng peace and order.

Alam naman nating hindi agad ito malilipol o mai-eradicate nang tuluyan, pero aminin natin na nakabawas sa talamak na krimen na ang laging sangkot ay ilegal na droga.

Alam nating maraming umaalma sa anila ay extrajudicial killings pero mismong mga nagrereklamo ay nag-i-enjoy ngayon sa katahimikan at kapayapaang idinulot ng kampanya kontra ilegal na droga.

Sa korupsiyion, marami ang natakot lalo’t pinatunayan ng Pangulo na seryoso siyang bigyan ng aral ang mga tiwali na ginagamit ang kanilang posisyon para isulong ang personal na interes.

Isang malaking eksampol nga riyan ang kanyang dating campaign spokesperson na si Peter Tiu Laviña na itinalaga sa National Irrigation Administration (NIA) pero nang masangkot sa ilegal na transaksiyon ay agad niyang sinibak. Ganoon din si dating DILG Secretary Mike Sueno.

Kamakalawa sa kanyang speech, sinabi ng Pangulo na mayroon na naman siyang apat na opisyales na sisibakin dahil nangingikil umano ng pera — sino kaya sila?!

Sa ekonomiya? Marami ang nagsasabi na sa kanyang unang taon ay hindi nakapagtuon ng pansin dito ang Pangulo. Ibig sabihin, medyo hindi mahusay ang mga napili niyang economic managers.

Ngayong pumapasok sa ikalawang taon ang Duterte administration, umaasa tayo na magsisimula nang lumarga ang kanyang economic projects na katatampukan ng US$35 bilyong ganansiya na nakuha niya sa kanyang 21 foreign trips na ginastusan ng P300 milyon.

Kamakalawa, maging si Subic Bay Matropolitan Authority (SBMA) Chairman Martin Diño ay nagpahayag na ilalarga na rin ang kanilang P15-bilyon infrastructure projects pangunahin sa airport at sub-ports na hindi lamang makatutulong sa ekonomiya kundi maging sa pagpapaluwag ng trapiko sa Metro Manila.

Umaasa tayo na ang mga proyektong ‘yan ng Pangulo ay makapagbigay ng trabaho sa mas maraming Filipino.

Magkaroon na rin sana ng matatag na economic strategy para hindi tayo kontrolado ng presyo ng langis at maging matatag ang piso laban sa dolyar.

Kung magkakaroon ng trabaho ang mas maraming Filipino, tiyak na bababa rin ang krimen. Alam naman natin na kapag marami ang walang trabaho at bagsak ang ekonomiya, diyan lumalaki ang bilang ng krimen.

Sa iniintrigang estado ng kalusugan ng Pangulo, sana’y makatuwang niya ang Cabinet secretaries sa pag-iingat ng kanyang kalusugan.

Huwag siyang bigyan ng problema, pressure at stress ng mga tauhan niya na maaaring makasama sa kalusugan ng Pangulo.

Sa kabuuan, masasabi nating PASADO ang Pangulo sa kanyang unang taon sa Palasyo.

MASAKER SA SAN JOSE DEL MONTE,
BULACAN TRIP LANG DAW DAHIL
BANGAG SA ALAK AT ILEGAL NA DROGA
(ATTN: HUMAN RIGHTS ADVOCATES)

063017 Bulacan Massacre

Huwag na nating tawagin ang pansin ng Commission on Human Rights (CHR), dahil ang kanilang ahensiya raw ay nakatutok lang sa mga opisyal ng pamahalaan na lalabag sa karapatang pantao.

‘Yun na lang mga human rights advocates na galit na galit sa tinatawag nilang extrajudicial killings (EJK). Ano kaya ang itatawag nila rito sa ginawang karumal-dumal na pagpaslang sa pamilya ng isang security guard na binubuo ng kanyang asawang babae, bulag na biyenan at tatlong paslit na walang kamuwang-muwang sa mundo.

Panginoon! Anong klaseng nilalang ang kayang gumawa ng ganyang kahayupan?!

Hindi ba’t kabalintunaan na ang kanilang padre de familia ay isang security guard na nagtatrabaho para sa kaligtasan ng kompanyang pinaglilingkuran pero ang kanyang pamilya ay karumal-dumal na pinaslang ng mga lulong sa droga at alak?!

Napakasakit para sa isang ama na nagtatanggol sa kaligtasan ng iba pero hindi naipagtanggol ang kanyang pamilya sa oras ng kagipitan.

Alam nating marami ang naghahangad ngayon na makamit ng mga biktima ang katarungan, pero sa paanong paraan?!

May isang umamin na suspek na ang sagot ay trip, trip lang?!

Sonabagan!!!

Baka kung kaharap ang padre de familia nang isagot iyon ng isang halang ang kaluluwa e mautang pa ang buhay niya.

Tsk tsk tsk…

Sana lang ay mabilis na madakip ang mga suspek na hanggang ngayon ay nakalalaya pa. At sana lang, maging mabilis ang paglilitis sa nasabing kaso.

Sakali mang maaprubahan ang parusang kamatayan sa Kongreso, sana’y sila na ang unang isampol!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *