BILIB tayo sa mga lingkod-bayan na hindi lamang kapakanan ng sariling siyudad o lugar ang pinagtutuunan ng pansin kundi maging ang mga lalawigan na nangangailangan ng tulong.
Kamakailan, si Mayor Fresnedi at buong Konseho ng Muntinlupa ay nagkaloob ng P2 milyon sa Islamic City of Marawi para sa Marawi relief operations.
Alam naman nating lahat na ang Marawi ngayon ay nawasak sa sagupaan ng mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa teroristang Maute Group.
Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa bumabalik sa normal na buhay ang ating mga kapatid nating Muslim sa Marawi.
Hindi pa rin nasisimulan ang rehabilitasyon dahil hanggang sa kasalukuyan ay may mga lugar na kubkod pa ng Maute.
Kaya naman malaking bagay kung ang mga lungsod sa Metro Manila ay makapag-ambag din ng kahot kaunting tulong sa Marawi gaya ng ginawa ni Mayor Fresnedi.
Aba, ilan ba ang mayayamang lungsod sa Metro Manila? Nariyan ang Makati, ang Taguig, ang Mandaluyong at iba pa.
Hindi kawalan ang kaunting halaga para maitulong sa mga kapatid nating Muslim sa Marawi.
Sana ay tularan nila ang Muntinlupa.
Saludo ang Bulabugin kay Mayor Fresnedi at sa buong Konseho!
LAGING BAHA SA HAGONOY LIFETIME NA BA!?
Hindi talaga natin alam kung ano ang trabaho ng Department of Public Works and Highway (DPWH) sa ating bansa.
Hindi rin natin alam kung bawat lungsod o munisipyo ay mayroong urban planner na ang trabaho ay tingnan kung angkop pa ba ang disenyo ng kanilang lungsod alinsunod sa paglaki ng populasyon.
O alinsunod sa katangian ng lokasyon nito.
O kaya ay kung paano napapangalagaan ang pamanang kultural ng isang lugar?!
‘Yan ang malaking problema pa rin ngayon ng Hagonoy, isang bayan sa lalawigan ng Bulacan.
Ang Hagonoy ay isang coastal province sa lalawigan ng Bulacan.
Ibig sabihin, normal lang na dumating ang panahon na maging below sea level ang land area nito, kaya dapat noon pa man ay naisip na ng gobyerno lalo ng DPWH na kailangan magkaroon ng barrier ang sea water papasok sa land area.
Pero hindi ito naisip ng gobyerno kaya ngayon kung magagawi kayo sa Hagonoy, sila ay literal na nakatira sa tubig.
Isang relihiyosong bayan ang Hagonoy, at hindi sagka ang baha para sa kanilang mga panata.
Kaya isipin ninyo na ang mga taga-Hanonoy na itinutulak ang karosa ng Santo habang sila ay may prusisyon sa baha.
Ang mga kabataan, naglalaro ng basketball sa court na nakalubog sa baha.
At higit sa lahat, ang mga estudyante, mula sa kanilang bahay na nakalubog sa baha ay pumapasok sa kanilang mga paaralan na lubog din sa baha.
Natawag na ng mga taga-Hagonoy ang kanilang mga santo gaya nina San Pascual, San Nicolas, Sta. Elena, Sta. Monica, Sto. Rosario at ma-ging ang Mahal na Birhen pero mukhang hindi sila naririnig ng kanilang mayor na si Amboy Manlapaz at gobernador na si Willy Sy-Alvarado.
Mukhang pati sina Mayor Amboy Manlapaz at Gov. Will Sy-Alvarado ‘e kailangan pang ipru-sisyon sa baha para mapagtanto nila kung paano namumuhay ang mga taga-Hagonoy.
Gov. Willy, Mayor Amboy, hindi ba kayo mag-iisip ng solusyon?!
REAKSIYON KAY SEN. RISA HONTIVEROS
GOOD morning Ka Jerry, dapat jan sa Senadora Hontiveros ipasuri ‘yung utak baka kasi utak pulboron na siya dahil sa paghangad ng kuropsiyon. Mantakin mo hindi pa rebelyon sa kanya ‘yung ginawa ng MAUTE? O kaya mga tao n’ya ang mga Maute kaya utak terrorista na siya? Kung wala ka nang nagawang maganda sa Senado kasama ng mga kampon mong senador na mga LP, lumayas na kayo jan! Dahil baka mahawaan ‘yung iba na matino jan sa kabugukan n’yo. Gumawa kayo ng batas na magpapaluwag sa mahirap dahil ibinoto kayo ng tao para makatulong sa bayan hindi magpahirap sa bayan. Mga sakim kayo sa kapangyarihan at pera. ‘Wag ka magtaka Senadora Riza kung isang araw barilin ka ng sundalo. Mantakin mo, dapat sa sundalo ka maawa kasi nasa gobyerno ka. Sa Maute ka pa naawa! Ano ka ba senadora o terrorista? Mahiya ka sa pamahalaan at sa pamilya ng sundalo na namatay. Baka ‘pag sila nagalit sau sugurin ka jan at pagsasampalin ka at matauhan ka na!
+63909306 – – – –
SALAMAT PO SA PAGBATI
SIR Jerry, happy, happy birthday!!! Busugin mo kami. Gloria Juania and all officers and members of Lapid Fire’s Club!
+63995655 – – – –
MANDALUYONG VENDORS NANAWAGAN KAY TATAY DIGONG
GANDANG hapon po Sir Jerry, sana po makarating po sa mahal na Pangulong Duterte ang kaawa-awang kalagayan naming sidewalk vendors na kapag nahuhuli ay walang nagtatanggol. Nililimas ang mga paninda bago ipatubos ng P500 kaya ‘pag ire-release na, kulang na at kapag hinanap ang mga nawala sasabihin ng kanilang hepe idedemanda ka dahil nagtitinda ka sa bawal na lugar. Wala ba talagang batas na magpaparusa sa ganitong klase ng tao? Nagbayad ka na sa batas pero pagnanakawan ka pa ng mga taong gobyerno. Dito po ‘yan sa Mandaluyong at ang hepe nito ay isang nagngangalang Emong Reyes.
Kaya ‘yung ibang vendor di na lang tinutubos ang kanilang paninda kasi konti na lang mababawi nila sa puhunan.
+63912172 – – – –
Mr. Emong Reyes, pakisagot nga ho itong akusasyon sa inyo ng mga maralitang maninininda ng Mandaluyong!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN ni Jerry Yap
About Jerry Yap
Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)