Saturday , January 18 2025

Kapakanan ng kustomer/s prayoridad ng SOGO

KAHANGA-HANGA pala ang pamunuan ng Sogo Hotel.

Bakit naman? Paano kasi, prayoridad pa rin nila ang kapakanan ng kanilang kustomer kasunod ang pagmamantina sa integridad ng kompanya.

Ba’t natin nasabi ito? Paano kasi, kamakailan ay mismong pamunuan ng Sogo ang nagpadampot at nagpakulong sa kanilang isang kawani, telephone operator, matapos na pag-interesan ang halagang P8,500 na naiwan ng isang kustomer sa loob ng isang kuwartong kanyang inupahan.

Ang ipinakulong na kawani sa Manila Police District Sta. Cruz Station (PS3),  ay kinilalang si Mary Jane de Guzman ng Malabon City gayondin ang kasabwat niyang isang nagpanggap na bading na si Reiner Santos ng Balintawak, Quezon City.

Nag-umpisa ang lahat nitong 3 Hunyo 2017. Habang naglilinis sa Room 348 ang attendant na si Jerome, nakakita siya ng cash P8,500 sa ilalim ng kama. Dinala naman ni Jerome ang pera sa lost and found section ng hotel.

Kasunod nito, sa rekord ng hotel, si Santos ay nagpabalik-balik sa hotel upang i-claim ang P8,500.

19, 22, 23 Hunyo 2017 ang mga petsang nagpabalik-balik si Santos sa hotel para kunin ang cash.

Ngunit, hindi ibinigay ng Sogo ang cash kay Santos na nagpapanggap pang bading dahil wala naman siyang maipakitang identification (ID) card.

Dahil sa pagdududa, minabuting ilapit ni Sogo Hotel Recto branch  manager Percival Afable  ang situwasyon sa pulisya kaya inimbitahan para sa isang imbestigasyon si Santos.

Hayun sa imbestigasyon, umamin si Santos na napag-utusan lang siya. Nino? Inamin niyang initusan siya ni De Guzman na magpanggap na bading, magpakilalang siya ang nakaiwan ng P8,500.

Buko kang De Guzman ka!

Sa pag-amin ay ikinuwento ni Santos na si De Guzman ang nagbigay sa kanya ng kompletong detalye para makuha ang P8,500.

Para sa karagdagang impormasyon, minabuti ring pag-aralan ng pulisya ang CCTV footage noong 3 Hunyo. Nakita sa CCTV na iba ang mukha ng kustomer na pumasok sa hotel noong araw na iyon.

Meaning hindi talaga nag-check-in sa Sogo si Santos. Wala ka talagang lusot Santos! P8,500 lang po iyan!

So, ibig bang sabihin nito, talagang ginamit at kinasabwat si Santos ni De Guzman? Kung pagbabasehan ang pag-amin ni Santos at CCTV footage, ano sa tingin ninyo? Ano pa nga ba?

Hay, pera nga naman o P8,500 lang. Napakaliit na halaga. Sayang ang permanenteng trabaho at dangal kung sakaling mapatunayan ang lahat lalo na sa bahagi ni De Guzman.

Kaya hayun, ang dalawa ay inaresto at nakatakdang sampahan ng kaso sa Manila Prosecutor’s Office.

Ibang klase talaga ang pamunuan ng SOGO, talagang pinangangalagaan nila ang integridad ng kompanya, hindi lamang para sa magandang imahe ng hotel kundi para na rin sa kanilang mga kustomer.

Sarap pala matulog o mag-check-in sa Sogo, safe ang mga gamit mo kung sakaling maiwanan mo sa hotel.

At siyempre, saludo rin tayo sa room attendant na si Jerome dahil sa kanyang katapatan sa trabaho at sa kompanya. Kung hindi siguro isinauli ni Jerome ang P8,500, marahil hindi nabuko ang kakaibang estilo ni De Guzman.

Sa Sogo, at kay Jerome, ayos!

Sa pamunuan ng Sogo naman, nararapat lang din ninyong parangalan si Jerome.

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Peace o power?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANO pa man ang itawag, ang “peace rally” na …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 100-araw ni Col. Buslig sa QCPD, krimen patuloy sa pagbaba

AKSYON AGADni Almar Danguilan ENERO 11, 2025, ang unang isandaang araw ni PCol. Melecio M …

Dragon Lady Amor Virata

Pulis na private security ng mga kandidato, ipinasisibak

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MGA kandidato sa 2025 elections na may mga banta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

QC-LGU, may paaginaldo pa sa QCitizens

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAPOS na ang Pasko…at heto nga Bagong Taon — 2025 na, …

Firing Line Robert Roque

Renovation na karapat-dapat

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUMASAILALIM ngayon ang Rizal Memorial Sports Complex, isang makabuluhang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *