Saturday , November 23 2024

Special report: Digong isang taon na sa Palasyo

ISANG taon na sa Biyernes (30 Hunyo) ang administrasyon ng kauna-unahang “leftist president” ng Republika ng Filipinas, si Pangulong Rodrigo Duterte.

Siyempre dahil maka-kaliwa, dating estudyante ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison at bilang confidence-building measure sa ikinakasang peace talks, nasungkit ng mga nominado ng CPP ang ilang puwesto sa gobyerno.

Sina Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo, Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano, Labor Undersecretary Joel Maglunsod, National Anti-Poverty Commission (NAPC) chief Lisa Maza at Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) Chairman Terry Ridon ang nakasama sa listahan ng mga maka-kaliwa sa administrasyong Duterte.

100416-duterte-evasco

Bukod sa ilang dekada nang kasama ni Duterte noong siya’y alkalde pa ng Davao City, ipinagkaloob niya ang sensitibong puwesto na Cabinet Secretary kay Leoncio “Jun” Evasco, dating rebeldeng pari. Urong-sulong man ang pag-usad ng usapang pangkapayapaan sa komunistang grupo, kasabay nang palitan ng maaanghang na akusasyon, kapansin-pansin ang pagiging malambot ni Duterte kapag leftist groups ang pasimuno ng isyu o pagkilos.

AGAW-PABAHAY
NG KADAMAY

Sa halip na magalit, pinakiusapan ni Pangulong Duterte ang mga pulis at sundalo na ipaubaya sa mga miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) ang mga inagaw sa kanilang pabahay ng gobyerno sa Bulacan.

PINAKIUSAPAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis at sundalo, na ipaubaya na lamang sa mga miyembro ng Kadamay ang inokupahan nilang pabahay sa Bulacan, sa pagdalo ng Punong Ehekutibo sa ika-20 anibersaryo ng Philippine Army sa Fort Bonifacio, Taguig City kahapon. (JACK BURGOS)
PINAKIUSAPAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis at sundalo, na ipaubaya na lamang sa mga miyembro ng Kadamay ang inokupahan nilang pabahay sa Bulacan, sa pagdalo ng Punong Ehekutibo sa ika-20 anibersaryo ng Philippine Army sa Fort Bonifacio, Taguig City kahapon. (JACK BURGOS)

Kapalit nang pagpaparaya aniya ng mga sundalo’t pulis sa Kadamay ay ipagagawa sila ng mas maganda at maayos na pabahay na inaasahang matatapos sa Disyembre.

Ang kasalanan lang aniya ng mga taga-Kadamay ay mahirap sila kaya hindi na dapat patulan ng mga sundalo’t pulis para maiwasan ang gulo.

REFERRAL NG MGA MAMBABATAS
TABLADO KAY TAGUIWALO

062317 Duterte Taguiwalo

Maagap na serbisyo ang ipinatutupad ng DSWD sa ilalim ni Taguiwalo kaya bukambibig siya ni Pangulong Duterte sa panahon ng pangangailangan ng mga maralita.

“Ang mga serbisyo kasi natin, kailangan laging maagap, laging kagyat, pang-tawid, para sa ngayon at ngayon na. Gamot ng maysakit para sa ngayon. Pagkain ng bata para sa ngayon. Relief goods para sa ngayon. Tulong pinansiyal para sa nawalan ng tirahan o pamasahe para sa ngayon,” aniya.

Ngunit ang pagbibigay ng mabilis na serbisyo o Protective Services Program (PSP) ng DSWD ay hindi na nakaangkla sa ‘referral’ ng mga mambabatas.

Madalas kasing gamiting pambili ng boto ng mga politiko ang ‘referral’ sa DSWD, pero hindi na ito umubra sa bisa ng ipinalabas na Memorandum Circular 09 ni Taguiwalo.

Idineklara ni Taguiwalo, ang referral ng mga mambabatas ay hindi mahalaga sa implementasyon ng PSP, ibig sabihin, tablado na ang palakasan system sa ngalan ng nag-refer.

Nakipagbaliktakan si Taguiwalo sa mga mambabatas sa budget hearing sa Kongreso at ilang beses na ininsulto sa pagdinig sa Commission on Appointments (CA) ngunit nanatiling buo ang tiwala sa kanya ng Pangulo .

Sabi nga ng Kalihim, magtulungan ang DSWD at ang mga mambabatas pero hindi nila papayagan ‘yung ‘palakasan’ system sa ngalan ng nag-refer.

TAGUMPAY NG LAPANDAY
FARMERS, TAGUMPAY
NG REPORMANG AGRARYO

PINUNTAHAN ni Duterte ang camp-out sa Mendiola ng mga magbubukid mula sa Madaum Agrarian Reform Beneficiaries Inc. (MARBAI) sa Lapanday Foods Corp. sa Davao City.

Ayaw kilalanin ng Lapanday ang hurisdiksiyon ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa banana plantation at nagpakalat ng 800 armadong sekyu para barikadahan ang lupain upang pigilan makapasok  ang mga kasapi ng MRBAI.

Binigyan ng Pangulo ng mga pagkain ang mga magbubukid, at binigyan ng pasahe pauwi sa Davao City.

 

Inatasan ng Pangulo si Mariano na kapag kompleto na ang dokumentong hawak ng MRBAI ay samahan sila, pati ang mga pulis, sundalo at sheriff para ipatupad ang DAR order at ibalik ang mga magbubukid sa Lapanday.

Binantaan ng Pangulo ang mga korte na huwag gawing bisyo ang paglalabas ng temporary restraining order (TRO) para pigilan ang pagpapatupad ng agrarian reform upang paboran ang mga panginoong maylupa.

Naging ugali na aniya ng landgrabbers ang mag-forum shopping at gumamit ng koneksiyon upang patulugin ang mga kaso. (ITUTULOY)

ni Rose Novenario

About Rose Novenario

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *