Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Hindi pa tapos ang giyera kontra terorismo may nang-iintriga na? (Rape is a serious matter…)

RAPE is a serious matter. It’s a tragedy to the victim…

Kaya kung sinasabi ng Garbriela Party-list na ipinangha-harass ng mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pananakot sa kababaihan ng Marawi na sila ay gagahasain — masasabi nating ito ay trahedya nang higit sa sampung ulit.

Bagamat naghamon si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Gabriela Party-list na maglabas sila ng ebidensiya kung may nalalaman silang naganap na panggagahasa, e mayroon din siyang tungkulin na magsagawa ng imbestigasyon.

Alam natin na ang ganitong bintang lalo’t lumalabas na ‘hearsay’ ay malaking demoralisasyon sa hanay ng mga sundalong nakikipaglaban at itinataya ang buhay para ipagtanggol ang sambayanan kontra terorismo.

Pero kung hindi naman iimbestigahan, masasabi nating sunod-sunod na trahedya ‘yan para sa mga Maranao lalo sa kababaihan.

Sa panahon ngayon na kabi-kabila ‘kuno’ ang mga pekeng balita, aba, kailangang maging maingat ang mga organisasyong gaya ng Gabriela Party-list sa pagbibitaw ng salita lalo’t ang pinatutungkulan nila ay mga sundalo natin na isinasakripisyo maging ang kanilang pamilya.

091316-rape

Bilang tulong na rin sa ating mga sundalo at sa sambayanan, mas makabubuti kung maglabas ng ebidensiya ang Gabriela Party-list sa sinasabi nilang pananakot ng mga sundalo sa mga kababaihang Maranao.

Pero kung hindi sila makapaglalabas ng ebidensiya, mas makabubuting huwag silang buka nang buka ng bibig sa publiko.

Malinaw naman ang sinabi ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas, “I have personally ‘heard’ the stories of women who sought refuge in evacuation centers in Lanao del Norte and Lanao del Sur after government troops threatened to rape them, as encouraged by no less than President Duterte in his public remarks.”

Klaro! Narinig lang niya, hearsay!

Ayon naman kay Secretary Lorenzana, sumailalim sa serye ng gender sensitivity trainings ang mga sundalo na nakatuon sa “participation, empowerment, equity, respect for human rights, freedom from violence, and actualization of fullest human potential.”

O baka naman, gusto ni Rep. Brosas na dalhin sa Kongreso ang isyung ito, at doon igisa ang AFP?!

“In aid of grandstanding” at hindi “in aid of legislation.”

Ganoon po ba ‘yun, Madam Arlene Brosas!?

‘SEXUAL HARASSMENT’
SA PUSOD NG SENADO

070516 senate

May manyakol sa Senado!

Batay sa reklamo ng Senate employee na si Atty. Niniveh B. Lao, siya ay napagtagumpayang dalhin sa isang motel at tinangkang gahasain ng isang Ramon R. Navea III, service chief committee-A ng Senado.

Pero masuwerte at nagkaroon siya ng pagkakataon na makatakas sa ‘kuko ng halimaw’ na manyakol kaya nakapagsampa siya ng kaso sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Sa sinumpaang salaysay ni Lao, siya ay pansamantalang naka-detail sa committee department ng Senado mula sa kanyang orihinal na posisyon sa Public Assistant Center (PAC).

Ilang beses umano siyang inimbitahan ng kanyang manyakol na boss na si Navea para kumain sa labas ngunit lagi niyang tinatanggihan.

Pero noong 8 Mayo 2017, muli siyang inimbitahan ni Navea pero muli siyang tumanggi dahil maghahanda siya sa pagsundo sa kanyang mga magulang mula sa Amerika.

Ngunit sinabi ni Navea, hindi niya tatanggapin ang ano mang pagtutol sa kanyang imbitasyon.

Hanep ‘no!?

Walang nagawa si Lao kaya’t tinanggap niya ang imbitasyon dahil ang pag-uusapan umano ay tungkol sa kanyang trabaho sa komite.

At nang araw na iyon naganap ang tangkang panggagahasa sa kanya.

Kung paano nakatakas si Lao sa nag-uumalpas na libog ni Navea ay isang himala para sa babae.

Kaya naman para hindi na ito maulit, naghain ng kasong tangkang rape at kasong administratibo si Lao laban kay Navea ngunit wala pang aksiyon dito ang Senado, lalo ang hinggil sa suspensiyon kay Navea.

At dahil mukhang natetengga lang sa Senado sa kamay ng Renato Bantug, assistant deputy secretary on legislation, ang kanyang kaso kaya inihain na niya ito sa piskalya. Si Bantug din umano ang nag-approve ng leave of absence ni Navea.

(Si Bantog ang tumayong OIC at kapalit ni Deputy Secretary Atty. Edwin Bellen habang nasa ibang bansa huli).

Ibang klase rin ang mga pinasusuweldo natin sa  Senado. Ang laki ng suweldo para lang magparaos ng libog sa mga kasamahang empleyadang babae?!

Wattafak!?

Senate President Koko Pimentel, Sir, ilang ganyang kaso kaya ang nangyayari sa Senado araw-araw?! Pababayaan mo na lang ba ang kahayupan na  ‘yan sa isang babaeng empleyado ninyo!?

Sibakin mo na agad ‘yan!

SBMA CHAIR MARTIN DIÑO
SA KAPIHAN SA MANILA BAY

062817 Martin Diño

Panauhin sa Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico si Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ngayon si Chairman Martin Diño mula 9am-11am.

Abangan kung anong pasabog ang ibubunyag ni Chairman laban sa mga ‘katiwaliang’ nais siyang igupo.

Pakinggan si Chairman Diño!

GUSTONG MAISARA NA
ANG LANTING
SECURITY AGENCY

DAPAT lng yan nangyari sa Lanting dahil balasubas cla. Ako 2 years hndi nila hinuhulugan SSS ko. At ang mga personnel jan masyado maangas dahil puro x-military na mga tuko. Ipa-file ko pa sa SSS ang complain ko against Lanting na hndi marunong maghulog ng benefits ng tao nila. Ang dpat sa Lanting ipasara na ‘yan.

+63929555 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *