Sunday , December 22 2024

Hindi dapat i-ban o ma-censor ang fake news

ANG pamamahayag ay likas, sagrado at isa sa pundamental na kalayaa’t karapatan ng tao. Ito ang nagbibigay buhay sa demokrasya at lahat ng kalayaan na tinatasama natin ngayon. Ito ay nagbibigay ng liwanag sa ating kaisipan. Kung walang kalayaan sa pamamahayag ay hindi uusbong ang demokrasya at hindi lilinaw ang ating mga pananaw sa buhay.

Ang katangian na ito ng kalayaan sa pamamahayag ang dahilan kaya bawat diktador sa kasaysayan ay unang pinupuntiryang supilin ito. Kung mawawala ang kalayaan sa pamamahayag ay susunod nang mawawala ang lahat ng natitira pang kalayaan na nagbibigay kangyarihan sa tao upang magpasya at pumanday ng daan na tatahakin sa buhay.

Dapat din mapansin na ang kalayaan sa pamamahayag ang nagbunsod sa mga himagsikan na naging daan upang maging malaya ang maraming mga bansa mula sa pyudalismo. Ang kalayaan din na ito ang susi sa ating paglaya mula sa diktadurang Marcos dahil ito ang nagbunyag sa mga pang-aabuso sa ng diktadura at mga kampon nito. Ang impormasyon na nakalap ng mga mamamayan ang nagmulat sa ating kaisipan at naging basehan ng bayan upang magkaisa at sama-samang kumilos para bawiin ang kalayaan mula sa pagkakasaklot nito ng diktadura.

Sa madaling salita, ang kalayaan sa pamamahayag ang dahilan kaya matalinong nakapagpapasya ang bayan sa mga usapin sa lipunan. Kung suspilin natin ito gamit ang palusot na paglaganap ng fake news ay mawawalan ng liwanag ang lipunan. Mawawalan tayo ng talino at kakayahan na magpasya kung ano ang tama o mali at kung ano ang totoo o hindi.

Wala kanino man sa atin ang kapangyarihan para supilin ang likas na karapatang ito. Ang tatalo sa fake news ay hindi censorship o pagbabawal kundi ang masinop na pagpapalaganap ng katotohanan.

Ang katotohanan ang magpapalaya sa atin mula sa kamangmangan na hatid ng fake news, hindi censorship ng pamahalaan o sino man. May sariling paraan ang katotohanan para mabunyag ito sa sambayanan kaya nga may kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag.

Hanapin natin ang katotohanan, hindi lamang mula sa mga nagsasabi ng mga bagay na ating pinaniniwalaan kundi lalo sa mga hindi natin ibig pakinggan, dahil tiyak ko ang katotohanan ay nasa gitna n ito.

***

Libreng tuition maaaring magkatotoo para sa milyon-milyong Filipino sabi ni Senadora Nancy Binay sa mga Fil-Am sa Los Angeles. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com

Sana ay makaugalian ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.

***

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.

USAPING  BAYAN – ni Rev. Nelson FLORES, Ll.B., MSCK

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *