Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Nat’l ID system? E Comelec voter’s ID hanggang ngayon nganga pa rin!

IKLARO lang po muna natin…

Pabor tayo sa national identification (ID) system. Kung tutuusin, pabor din naman sa lahat ‘yan. Pabor sa publiko, pabor sa iba’t ibang ahensiya, mas mabilis pa ang transaksiyon.

Ang hindi lang natin maintindihan bakit parang umeepal pa ang Commission on Elections (COMELEC) sa pangunguna ni Chairman Andres Bautista gayong ‘yung voter’s ID nga lang, ilang halalan na ang nagdaan ay hindi nila mai-produce.

Ngayon mag-i-eksperimento naman. Gagawa daw muna ng enhance voter’s ID para sa National Capital Region (NCR).

062717 comelec bautista national ID

Kaya binubuksan na raw ang bidding para sa P150-milyon proyekto. Ang mga mananalong bidder umano ay kinakailangan mag-supply ng 3 milyong IDs sa P50 halaga bawat isa.

Dito naman talaga tayo ‘natatawa’ sa Comelec. Give-away ang bidding?!

Malamang kung may kayang magbigay ng presyong P25, ‘yun na ang kukunin ninyo.

Hindi na tayo nagtataka kung bakit hindi mai-release ang voter’s ID, baka sa sobrang mura ‘e hindi na nai-produce ang project at napunta na lang sa ‘mabubuting kamay’ ang budget?!

Chairman Bautista, baka nalilimutan ninyong ilang taon ang backlog ninyo pero hanggang ngayon, wala pa rin ang voter’s ID.

Tapos magkakaroon na naman ng bagong bidding?!

Moderate your greed naman!

‘Yung ibang ahensiyang corrupt nagpo-produce naman, overpriced nga lang.

Kayo sa Comelec, wala talaga kayong kahihiyan, wala pang naibibigay na voter’s ID, ngayon magpapa-bidding na naman?!

At mukhang gusto pa ninyong kopohin ang national ID system, ha!

Hoy, mahiya naman kayo!

ASAWA NG AKTRES
NA SI FRANCINE PRIETO
HINDI PINAPASOK SA BANSA
DAHIL SA PAGMUMURA

062717 NAIA Francine Prieto

Mukhang malungkot ang pagbabalik sa bansa ng aktres na si Francine Prieto nang hindi payagang makapasok ang kanyang asawang US citizen na si Frank Arthur Shotkoshi, 56 anyos.

Tila natisod dahil natapakan ni Shotkoshi ang kanyang luggage kaya nagalit ang mister ng aktres.

‘Yun doon nagsimulang magsalita nang hindi maganda ang Kano.

Ang akala yata niya, security guard ang mga kaharap niyang Immigration Officers kaya pinagmumura.

‘Yun naman ang hindi puwede roon. Lahat ng mga nandarayuhan, kahit Filipina ang kanilang asawa dapat maging magalang sa bansang kanilang pupuntahan.

Kahit saang bansa niya gawin ‘yun ganoon ang mangyayari sa kanya.

Sa US baka puwede ang ganoong attitude. Ang kaso wala siya sa Tate, nasa Filipinas siya.

By the way, gusto rin natin tawagin ang pansin ng terminal manager diyan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2.

Kahit ang inyong lingkod madalas na parang natitisod diyan sa escalator na ‘yan.

Napupuna kasi natin na pinapatay nila ‘yung escalator na pababa. Bakit ba nila pinapatay?!

Nagtitipid ba sa koryente o ayaw nilang ipagamit?!

Aba, e kung ayaw nilang ipagamit, tanggalin na lang, kaysa naman laging may natitisod.

Kaysa naman ganyan lagi ang mangyari tuwing may sasakay sa escalator…

Paging NAIA terminal 2 manager!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *