Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagdalaw at paghingi ng basbas ni Coco kay Da King pinuri ng netizens

LAST Thursday, bago pumunta sa set ng remake ng “Ang Panday” na kanyang pagbibidahan at ididirek ay dinalaw muna ni  Coco Martin ang puntod ng “Hari ng Aksiyon” na si Fernando Poe Jr., sa Manila North Cemetery upang magbigay pugay at humingi ng basbas sa orihinal na Flavio sa gagawing pelikula na planong ilahok ni Coco sa Metro Manila Film Festival ngayong Disyembre.

Kasama sa pagdalaw ng Hari ng Telebisyon kay FPJ ay pasalamatan ng “Hari ng Telebisyon” ang namayapang mister ni Ms. Susan Roces sa matagumpay na teleseryeng “FPJ’s

Ang Probinsyano” na nananatiling number one sa ratings sa ABS-CBN Primetime Bida.

Matapos i-post ng manager ni Coco na si Mother Bibs (Biboy Arboleda) ang kuhang larawan ni Coco habang taimtim na nagdarasal sa harap ng puntod ni Da King ay umani ang actor, ng papuri mula sa netizens. Hinahangaan siya sa pagiging marespeto at mapagtanaw ng loob sa mga beteranong tulad ni FPJ.

Samantala, lalong busy ngayon si Coco dahil bukod sa taping ng “Ang Probinsyano” ay isinisingit niya ang shooting ng kanyang “Ang Panday” kasama ng kanyang production team na kinabibilangan nina Ferdie Lapuz at Malou Crisologo (Supervising Producers), Allan Chaliongco (Assistant Director), Nancy Arcega (Production Designer), Elmer Cruz (Location Manager), Ricky De Guzman (Assistant Location Manager), Kristofer Celis at Aikah Agnote (Production Assistants) at Isha Germentil (Executive Assistant).

Hindi pa pinapangalanan kung sino ang magiging leading leady ni Coco sa malaking proyekto at may mga humuhula na si Julia Montes iyon.

DANIEL FERNANDO SOBRANG
SAMA NG KARAKTER
SA “IKAW LANG ANG IIBIGIN”

Sa una pa lang ay alam nang kontrabida ang role ni Daniel Fernando bilang Rigor sa “Ikaw Lang Ang

Iibigin” nina Kim Chiu at Gerald Anderson.

Sa sobrang pagmamahal niya noon kay Victoria (Ayen Munji-Laurel) na ginampanan noon ni Bangs Garcia ay nagawa niyang pilayan si Maila (Bing Loyzaga) portrayed by Carla Humphries upang si Victoria ang ipadala sa ibang bansa para sa kompetisyon.

Nagtagumpay si Rigor pero nakulong siya, pero nang makalaya ay balik na naman sa dating gawi at ang madalas pagdiskitahan ay anak nina Victoria at Roman (Michael de Mesa) na si Gabriel (Gerald Anderson).

Palibahasa, hindi niya anak kaya hindi maganda ang pagtrato niya sa binata at kung ituring ay parang ibang tao siya. Maging ang girlfriend ni Gabriel na si Bianca (Kim Chiu) ay harap-harapan niyang ininsulto na para bang sinasabi niya (Rigor) na kung magso-siyota ay sa mayaman na.

At ang pinakamatindi pinagkakakitaan niya ngayon si Gabriel kay Roman at sa sobrang sama ay wala siyang takot at pakialam kahit pa komplikado ang sitwasyon at malagay sa alanganin si Victoria.

Ano ang mangyayari sa anak nila ni Victoria na si Carlos (Jake Cuenca) kapag nabunyag na hindi pala siya ang anak ni Roman? Sigurado tapos na ang maliligayang araw ng yabangerong si Carlos.

Kaya lalo pa ninyong pakatutukan ang Ikaw Lang Ang Iibigin pagkatapos ng Kapamilya Blockbusters sa ABS-CBN Prime Tanghali.

Ito na kaya ang road to happy ending?
JEROME NAG-PROPOSE NA
NG KASAL KAY ANNIKA
SA WANSAPANATAYM

Sa latest episode ng Annika Pintasera, sa Wansapanataym Presents ng Dreamscape Entertainment, hindi pinagbigyan ni Fairy Sylvia (Maris Rakal) ang pakiusap ni Jerome (JC Santos) na tanggalin ang sumpa kay Annika (Julia Montes).

Kahit pa nagbago nang tuluyan si Annika ay hindi pa rin sapat para mawala ang sumpa dahil ang makapagliligtas lang sa kanya ay pure love ng isang binata sa kanya sa katauhan nga ni Jerome.

At dahil nauubos na ang paint brush at isang linggo na lang ang palugit sa taning ng buhay ng ating bida (Annika), hayun sinamantala na ni Jerome na mag-propose ng kasal sa nobya na agad namang tinanggap ni Annika.

Pero mukhang may malaking problema dahil gustong gumanti ni Glen sa dalaga at seryoso sa kanyang gagawin.

Maiwasan kaya ito ni Annika at road to happy ending kaya ang mangyayari sa kanila ni Jerome?

Saksihan ang magical love story ng dalawa sa Annika Pintasera, na mapapanood pagkatapos ng “The Voice Teens” sa Kapamilya network.

VONGGANG  CHIKA! – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …