Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga patay na ninakawan pa!

Dragon LadyDALAWANG araw matapos ang trahedya sa Resorts World Manila, habang nagkakagulo ang pamilya ng mga nasawi sa Veronica Funeral Homes, may mga kaanak ng mga biktima, na nagtanong sa inyong lingkod, kung nasaan ang ilang personal belongings ng mga biktima.

May mga naghahanap kung nasaan ang mga alahas kabilang ang mamahaling relo gaya ng Rolex brand. Ngayon ay may sumingaw na balita ang pamilya ni Pampanga Congressman Gonzales, hinahanap nila ang mamamahaling alahas ng kanyang namayapang misis.

Kaya paiimbestigahan ni Senator Koko Pimentel, makaraang magreklamo ang pamilya Gonzales.

Higit pa nakapagtataka, isang biktima na ang ATM card ay nakapag-withdraw ng halagang P25,000 dalawang araw matapos ang trahedya sa RWM. Heto ang katanungan, sino ang mga salarin, sino ang naunang nagresponde sa RWM?

Naniniwala ako na hindi ang mga imbestigador ng Pasay City Police, dahil turnover lang sa kanila lahat ng personal belongings ng mga biktima!

***

Mga patay na, pinagnakawan pa!

Maiitim masyado ang budhi ng mga nagnakaw ng personal belongings ng mga biktima. Sige, Senator Pimentel, paimbestigahan mo maigi kung sino ang mga kleptomaniac na awtoridad na responsable sa isyung yan.

Imposibke naman na patay na nakapag-withdraw pa?!

***

Pati ATM card, wala sa kamay ng pamilya ng biktima, nakuhaan ng P25 mil?! Anong klase ba ‘yan! Sino kaya sa mga guwardiya, pulis, SOCO, Bureau of Fire…

Sino sa kanila ang responsable sa nakawan ng personal belongings ng mga biktima sa casino tragedy sa RWM?

***

Naniniwala pa tayo, kung sa kalsada namatay ang mga biktima, dahil maraming looters na nakikiusyoso lalo sa unang usisero na tatakbo sa lugar ng pinangyarihan  nanakawan ang mga biktima. Kadalasan nangyayari ‘yan sa vehicular accidents, kunwari ay sasaklolo, pag-iinteresan ang alahas o celphone ng mga biktima, minsan pati na pera.

***

Sigurado, kapag inimbestigahan ‘yan, mada-ling matutukoy kung sino ang mga magnanakaw sa mga patay na biktima ng Resorts World casino tragedy!

DRAGON LADY – Amor Virata

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …