Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

May mina ba ng ‘ginto’ sa Baseco!?

MATAGAL na nating itinatanong ito, pero hanggang ngayon ay wala tayong nakukuhang opisyal na sagot.

Pero kung pagbabatayan ang mga nakaraang pangyayari, tuwing nalalapit ang barangay elections laging may nagbubuwis ng buhay.

Kung hindi ang mga leader, mismong ang nagpaplanong kumandidato ang itinutumba riyan?!

Nitong nakaraang Martes tila nag-umpisa na ang ‘init’ ng barangay election sa Baseco.

Martes, 20 Hunyo 2017, dakong 2:45 pm nang tambangan ng isang riding in tandem ang retiradong Marines master sergeant na si Jojie Omandac at ang kanyang asawa sa Bonifacio Drive.

Dinala si Omandac sa Manila Medical Center pero hindi na naisalba ang kanyang buhay. Si Omandac ay isa sa mga nagpaplanong tumakbong barangay chairman sa nakatakdang halalan sa Oktubre 2017.

070216 dead gun police

Nitong Miyerkoles ng gabi, tinambangan naman ang kasalukuyang barangay kupitan ‘este kapitan ng BASECO na si Kristo Hispano, 37 anyos.

Pero hindi gaya ni Omandac, mukhang nakahiram ng agimat kay Nardong Putik si Hispano kaya hindi siya nadale o natepok ng mga nanambang sa kanya.

Dakong 9:45 pm, nang tambangan si Hispano sa kanto ng Roxas Blvd., at Quirino Avenue ng dalawang riding in tandem. Limang bala ang tumama kay Hispano pero hindi siya napuruhan.

Nagawa pa niyang makapagmaneho patungo sa Pasay police community precinct sa tabi ng Cultural Center of the Philippines.

Dinala siya sa San Juan de Dios Hospital pero inilipat sa Ospital ng Maynila na ngayon ay mahigpit umanong binabantayan.

Noong 2013, hindi pa natin nalilimutan nang patayin sa tapat ng kanyang bahay, ang community leader ng Alab ng Mamamahayag (ALAM) na si Domingo “A1” Ramirez.

Nakatakda rin noon na tumakbo bilang barangay chairman si A1 Ramirez, ngunit pinaslang nga siya at hindi nahuli ang salarin.

Gayonman, itinuloy ng kanyang anak na si Aljon “A1” Ramirez ang kandidatura ng kanyang ama. Hindi pinalad na manalo sa eleksiyon si Aljon dahil sa talamak na vote buying pero ang masaklap pa, ang pinakamasugid na lider ng kampo nina Ramirez na si Elena Miranda, ay pinasok sa loob mismo ng kanyang bahay habang natutulog at doon pinagbabaril sa tabi ng kanyang anak.

Hindi na naitakbo sa ospital si Miranda na namatay noon din, pagkatapos sabihin sa kanyang anak na: “Anak, may tama ako!”

Bukod sa pagiging leader, si Miranda ay principal witness sa kaso ng pamamaslang kay A1 Ramirez.

Si A1 ay kilalang leader ng ALAM at nakatakdang tumakbo sa barangay election noon pero hindi naisakatuparan dahil sa pagpatay sa kanya.

Ganyan umano ‘karumi’ at brutal ang eleksiyon sa Baseco. Pero sa kabila ng mga ulat na ‘yan, nakapagtataka na hindi kumikilos ang matataas na opisyal ng pulisya sa Maynila.

Wala kasing naresolba sa mga patayan na yan at diyan umuusbong ang tanong, may mina ba ng ginto sa BASECO?

Bakit kailangan magpatayan para masungkit ang pinakamataas na posisyon sa barangay?!

Hindi na mabilang ang unsolved cases ng mga pamamaslang sa BASECO at ‘yun talaga ang nakapagtataka.

Nasa Metro Manila ang BASECO. Sa Manila to be exact pero bakit hindi maipatupad ang peace and order sa nasabing barangay?!

Sino-sino ba ang nakikinabang sa pamamayagpag ng ilegal na droga, ilegal na sugal at iba pang kailegalan na nagaganap sa BASECO?

Alam kaya ‘yan ni Manila Police District (MPD) director, C/Supt. Jigz Coronel?!

Kung hindi, bakit?!

RESORTS WORLD MANILA
ATAT NA ATAT
NANG MAG-OPERATE

062617 resorts world manila rwm

Ilang restaurant at tindahan na pala ang nag-o-operate ngayon sa Resorts World Manila (RWM).

Business as usual, ‘ika nga! At ang balita natin, mga ilang linggo pa at baka mag-operate na rin ang casino.

Aba, magtataka pa ba tayo?

E iba lakas at impluwensiya nga no’ng may-ari ‘di ba?

Hindi nga napilit ng Senado na dumalo sa kanilang pagdinig si David Chua Ming Huat, ang chairman ng Travellers International Hotel Group, Inc., ang operator ng Resorts World Manila.

Tanging ang President na si Kingson Sian lamang ang humarap sa Senado at sinabing nakalabas na ng bansa si David Chua Ming Huat.

Hindi ba’t nambola ‘este sinabi ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na sinuspendi nila ang lisensiya ng RWM casino habang iniimbestigahan kung paano nila tinitiyak ang kaligtasan ng kanilang mga kliyente?!

Pero sa ginagawang paghahanda ngayon ng Resorts World, mukhang mabilis na mabilis na lang, magbubukas na ulit ang casino nila.

Mukhang sa clientele din nila babawiin ang ipinangako nilang ipagkakaloob sa pamilya ng mga biktima?!

Kaya ang maugong na usap-usapan ngayon, hindi matatapos ang tatlong buwan, tiyak na bukas na muli ang Resorts World Manila.

Ganoon nga ba ‘yun, PAGCOR chair, Madam Andrea Domingo?!

Ang bilis naman!

HAPPY EID al-FITR
SA MGA KAPATID
NA MUSLIM

070516  mosque muslim

Lahat siguro ng mga kapatid nating Muslim na nagmamahal sa magandang buhay ay walang ibang hinihiling kundi kapayapaan.

Lalo na ngayong, matindi ang bakbakan sa Marawi City.

Pero hindi lang mga kapatid nating Muslim ang naghahangad nito, kundi ang malaking bahagi ng sambayanang Filipino.

Mula sa simpleng paghahangad ng nagsasariling Mindanao ay naging komplikado na ang isyung pinagmumulan ng mga kaguluhan sa Mindanao ngayon.

Sabi nga ng Pangulo, pasok na rin ang ilegal na droga sa kaguluhan sa Mindanao…

Kaya sa pagdiriwang ng EID al-FITR, umaasa tayo ng mas makabuluhang pagbabago at pagsusulong ng tunay na prinsipyo at pagsusulong ng paniniwalang Islam.

Eid Mubarak!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *