“Ako pa, not at all,” tugon sa amin ni Luis Manzano sa chat with matching emoticon na nakatawa nang tanungin namin kung pinagbabawalan ba niya ang kanyang girlfriend na si Jessy Mendiola na magsuot ng sexy sa”Banana Sundae.
Lumaki nga naman sa showbiz si Luis, naiintindihan niya ang ganitong trabaho at kung ano ang kailangan sa show. Wala namang isyu na ganyan sa kanya na nakikialam sa suot ng nobya maski noong karelasyon pa niya sina Angel Locsin, Jennylyn Mercado atbp.
How true na wala na si Jessy sa nasabing gag show dahil hindi sila magkasundo ng wardrobe?
May tsismis na ayaw na raw yata ni Jessy na magpa-sexy. Kung hindi kami nagkakamali, isa sa dahilan na kaya kinuha siya sa Banana Sundae ay para sa opening na medyo sexy pero hindi naman bastusin.
Isa pang nagpahinga sa Banana Sundae ay si Pokwang dahil sa maselan ang pagbubuntis. Kamakailan, may eksena rin si Pokwang sa FPJ’s Ang Probinsyano na nagpaalam at sinundo ng BF. Senyales ‘yun na nagbabu na rin siya sa serye.
Pero patuloy sa pagpapatawa sa Banana Sundae sina Angelica Panganiban, Jason Gainza,John Prats, Ryan Bang, Sunshine Garcia, Aiko Climaco, JC De Vera, Pooh, Jobert Austria, at Badji Mortiz. Abangan na lang kung sino ang mga guest nila na magbibigay aliw at magpapatawa sa mga netizen.
Ang Banana Sundae ay napapanood tuwing Linggo pagkatapos ng ASAP 20. Ang iba pang weekend show ng Kapamilya Network ay ang Goin’ Bulilit at Home Sweetie Home.
TALBOG – Roldan Castro