Sunday , December 22 2024

Fraud auditing ipapatupad ng Malakanyang

Dragon LadyMABUBUKING ang malalaking anomalya, saka-ling ipatupad na ng Malakanyang ang sinasabing Fraud Auditing, kaya siguradong lilitaw ang korupsiyon sa gobyerno, gaya ng LRT at MRT. Hindi pa tinutukoy kung kasama ang local government sa rerepasohin ng itinatag na Fraud Auditing.

***

Sa ganang akin, dapat pati local government ay iparepaso sa itatatag na Fraud Auditing, dahil maraming proyekto na impraestruktura at mga supply contractor ang local government, dito ay malalaman o puwedeng madiskubre ang mga overpricing sa mga suplay na proyekto ng local government.

***

Kung  mangyayari na pati local government ay kasama, siguradong maraming madidiskubre, partikular na matutuwa ay mga contractor at supplier. Ito ‘yung mga contractor at supplier na hindi makapasa sa mga bidding na isinasagawa ng Bids and Award Committee(BAC) ng bawa’t local government dahil may nakatalaga nang mga WINNING BIDDER!

***

Ang mga winning bidder na sinasabi, ay nagbibigay ng Advance na SOP o goodwill money na inaawas sa mga ginawang overpricing, kasamang binibigyan dito ang mga treasurer, accountant budget officer, at ang pinakaimportanteng papel ang General Services Officer. Siyempre hindi puwedeng mawala sa listahan ang mga AUDITOR.

***

Kaya kahit may mga auditor ang local government, hindi ito puwedeng bukulan, kung minsan sila ng Tesurero ang may mas malaking goodwill money kumpara sa mga miyembro ng BAC,siyempre wala ng mas malaki sa Punong-Alkalde!Saan ba kukunin yung Goodwill Money? eh di sa over pricing ng anumang proyekto. Ha-limbawa, ang proyekto ay nagkakahalaga lamang ng P50 milyones sa total Contract price, pero ang nakalagay sa Voucher ay P60M, sampung Milyon ang overpri-cing, ito nga-yon ang pamigay bilang Goodwill Money.

Kadalasan para mas malaki ang makuhang advance goodwill money ay napahihintulutan na makapag-advance payment ang mga contractor/supplier, para dito ay makapagbigay din ng advance goodwill money! Kaya suhestiyon kay Pa-ngulong Rodrigo Duterte, rebisahin pati ang Local Government!

***

Kung minsan may mga negotiator para sa Alkalde, sila ang humaharap sa mga contractor/supplier para malaman kung magkano ang goodwill money na dapat ibigay at ang nego-tiator ay kasama rin sa binibigyan ng contractor/supplier, minsan mas malaki katya mga miyembro ng BAC.

***

Sa panig ng contractor/supplier, hindi pinag-uusapan sa Bidding ang maganda mong kompanya o kalidad ng iyong produkto o gawa, ang pinag-uusapan ay kung sino ang mas malaking maghatag ng goodwill money! ‘Yun ‘yun e!

Kaya kalokohan lang ang bidding-bidding, kung tumulong ka noong panahon ng eleksiyon, sigurado may project ka! Pero hindi nagtapos noong eleksiyon ang tulong mo, dahil habang may ibinigay sa contractor/supplier na project, patuloy pa rin ang pagkakaloob ng goodwill money na isa sa SOP sa lahat ng local government at ahensiya ng gobyerno!

DRAGON LADY – Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *