BUNSOD ng kalasingan, nagwala at ini-hostage ng isang security guard ang kanyang sarili sa loob ng Eton Centris commercial complex sa Quezon City, kahapon ng umaga.
Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, makaraan ang limang oras na negosas-yon, sumuko ang suspek na si Herminigildo Marsula, Jr., ng Palmera Northwind City, Phase 2B, Lot 16, Brgy. Kaypian, San Jose del Monte, Bulacan.
Nauna rito, dakong 3:00 am, makaraan maki-pag-inoman sa kapwa guwardiya sa security office, kinuha ni Marsula ang kanyang baril at lu-mabas saka tinutukan si Alegre Aquino.
Tumakbo palabas si Aquino at ipinaalam ang insidente kay PO1 Alvin Estilles ng Centris Police Action Center.
Agad nagresponde si PO1 Estilles ngunit tinutukan siya ng baril ni Marsula at pagkaraan ay pumasok at nagkulong sa security office.
Tumangging lumabas si Marsula bagama’t dumating ang kanyang misis at bayaw.
Ngunit nang ipaalam na susunduin ang kanyang 12-anyos anak na may sakit na hemophilia, sumuko si Marsula dakong 8:10 am. Si Marsula ay nakatakdang kasuhan ng alarm and scandal, grave threats, physical injuries, at illegal possession of firearms.
ni ALMAR DANGUILAN