Friday , November 15 2024

Nalalabing scalawags at karagdagan pa ipadala sa Marawi para makabawi

SA Lunes, 26 Hunyo 2017, isang buwan na ang krisis sa Marawi City, bagama’t saludo tayo sa pamahalaan partikular sa mga sundalo na naki-kipagbakbakan sa mga teroristang Maute na nagsasabing kaanib nila ang ISIS.

Suportado raw ng ISIS ang kanilang ginagawang panggugulo sa Marawi City.

Nang magsimula ang giyera sa Marawi, marami nang nawala — mga mahal sa buhay sa panig ng sundalo maging sa mga biktima ng gi-yera, mga mamamayan ng lungsod.

Pero mas maraming nalagas sa panig ng Maute.

Dapat lang! At hindi lang dapat na malagas kundi dapat tuluyan nang mabura sa listahan ng mga terorista na kumikilos sa bansa ang terorista.

Lamang, walang kuwenta na ang buhay sa mga terorista kaya tila balewala sa kanila ang mapatay habang sa panig ng mga sundalo natin, sa kabila ng pakikibakbakan ay naroon pa rin ang dobleng pag-iingat para sa kanilang mga mahal sa buhay lalo na iyong may maliliit pang anak.

Sa kalagayang ito, talo ang mga sundalo habang ang Maute ay patay kung patay.

Pero ang nakahahanga pa rin, unti-unti nang nababawi ng AFP ang buong Marawi sa mga te-rorista. Dahan-dahan nang napipilayan ang Maute hindi lamang sa pagkakabawi sa hinawakan nilang ilang lugar sa Marawi kundi sa pagkakapa-tay ng mga miyembro at pagkakaaresto ng mga tumatakas.

Hindi pa tapos ang giyera kaya, panay pa rin ang pagpapadala ng mga sundalo sa Marawi. Mga kababayan, huwag natin kalimutan ipanalangin ang mga bayaning sundalo natin maging ang kanilang pamilya.

Bata-batalyon kung magpadala ang pamahalaan ng mga sundalo para matapos na ang gulo pero ba’t sundalo lang?

Naitanong ko lang dahil naalala ko ang kampanya ni Pangulong Duterte laban sa police sca-lawags na nagkalat dito sa Metro Manila.

Mga scalawag na matatapang – ginagamit sa katarantaduhan ang kanilang pagiging pulis. Kung hindi sangkot sa droga o ano mang klaseng kri-minalidad kanilang ginagamit ang tsapa sa pang-aabuso sa mamamayang nagpapasuweldo sa kanila.

Kung maaalala, mahigit 400 scalawags ang iniharap sa Pangulo nitong nakaraang taon sa Malacañang.

Galit na galit ang pangulo sa kanila at kanya pang pinagmumura. Ipinatapon ng pangulo ang mga scalawag sa Mindanao. Nagbiro pa ang pa-ngulo na sa loob ng dalawang taon na pagtatalaga sa mga scalawag sa Mindanao, masuwerte na’ng makauwi ng buhay.

Hindi pa lahat – ang 400 scalawag ang natapon sa Mindanao kung hindi marami pa ang natitira sa nasabing bilang… at malamang humaba pa ang listahan ng mga scalawag sa  bawat police district sa Metro Manila dahil halos araw-araw ay may pulis na nairereklamo sa pang-aabuso.

Ngayon, hindi ba dapat na isalang din ang mga nalalabi pang mga scalawag (at mga karagdagang naidagdag sa listahan) sa Marawi City. Ibig kong sabihin, tutal ang tatapang nila, malalakas ang kanilang loob na gumagawa ng katarantadohan, so, ang tulad ng mga scalawag ay dapat ipa-dala sa Marawi. Hindi lamang para gamitin ang kanilang katapa-ngan kung hindi para panindigan ang kanilang isinumpang paglingkuran ang bayan.

Sa pakikipaglaban sa Marawi, masasabing kahit na paano ay makababawi ang mga scalawag sa mamamayan lalo sa kanilang mga biktima. Magiging bayani pa sila. Iyon nga lang kung uuwi sila bilang isang bayaning buhay.

Tutal si Pangulong Duterte rin lang ang nagbitaw ng salita noon na kanyang  ipadadala sa Mindanao ang mga police scalawag (hindi lang ninja cops ang scalawag kundi maraming categary ito).

Huwag nang hintayin ang bukas pa sa pagpapadala ng ‘reinforcement.’ Kailangan apa ng sundalo ng dagdag puwersa.

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *