Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Don’t panic sa ‘unverified & unvalidated’ informations

PINAGKAKAGULUHAN sa social media ang lumabas na unverified memo na nagsasabing may banta ng pag-atake ang Maute Group sa Metro Manila ngayong 30 Hunyo 2017.

Kaya naman todo-paliwanag si NCRPO chief, Director Oscar Albayalde sa publiko na ang babala sa nasabing memorandum ay “unverified and unvalidated.”

Kaya nga hindi umano ito inilalabas sa publiko dahil wala naman silang nakakalap na impormasyon.

Gusto po natin itanong sa PNP, hindi po ba ninyo alam na ang kagayang memorandum ay laging kumakalat sa social media at iniiba lang ang petsa at pangalan ng mga pulis?!

062217 NCR info MM

Isa pa pong tanong, kung unverified and unvalidated, ano na po ba ang kasalukuyang status ng nasabing memorandum bukod sa sinabi ni Northern Police District director, Chief Supt. Roberto Fajardo na iniutos niya ang administrative relief sa opisyal ng Philippine National Police (PNP) na bumuo ng memorandum hinggil sa sinasabing planong pag-atake ng Maute group sa Metro Manila, at kumalat sa social media.

So, pinangangatawanan ng NPD na gawa talaga nila ang nasabing memorandum?

Parang sinasabi rin nila na hindi ‘yan ‘yung umiikot sa social media everytime na parang may gustong mambulabog sa peace and order sa Metro Manila?!

Aba, kung pinangangatawanan nila ‘yan, dapat imbestigahan ang kanilang unverified and unvalidated info, huwag sibakin agad ang opisyal na nakapirma.

E paano kung mayroon naman palang basehan ang nasabing memo?!

E parang panic mode naman sa hanay ng PNP kung bigla na lang sisibakin ang opisyal ng PNP nang hindi pa naiimbestigahan.

Anyway, sa publiko naman, huwag din pong mag-panic. Maging alerto lang po at iwasan munang pumunta sa mga lugar na puwedeng ma-ging target ng Maute Group.

‘Yung mga establisiyemento, institutions at vital installations na puwedeng maging target ng mga terorista, doon dapat maging mahigpit ang security force.

Alalahanin natin, na ang mga terorista ay hindi nag-iisa, hindi gaya ni Jessie Carlos na solo lang nang umatake sa Resorts World Manila (RWM) pero dahil hindi nga handa ang security group, dumami ang casualties.

Kaya lang naman tayo nagpa-panic, e dahil hindi tayo sigurado sa mga puwersang dapat mangalaga sa ating seguridad.

Pero kung nabibigyan ng assurance ang publiko na kayang mangalaga ng mga tagapagligtas palagay natin e hindi sila magpa-panic.

‘Yun lang po ang kailangan ng publiko para patuloy silang magtiwala na kaya silang iligtas ng pulisya.

‘Yun lang po, ‘di ba?

BJMP JAILS
DECONGESTION DAW
SABI NI DIR. SERAFIN
BARRETTO JR.

102816-prison-money

‘Yan daw ang plano ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Director Serafin Barretto Jr.

Ayon sa Commission on Audit (COA), 466 BJMP jails ang kailangang i-decongest ng BJMP dahil ang bawat isa ay limang beses na mas marami kaysa kapasidad nito.

Maraming paraan para i-decongest ang BJMP jails. Pero parang nakatutok lang ang BJMP sa literal na decongestion o structural decongestion — ‘yan ‘e ‘yung magpatayo ng mas malaking kulungan para daw magkasya ang inmates.

E paano kapag nadagdagan na naman ang inmates? Magsisiksikan na naman?!

Bakit hindi i-decongest laban sa korupsiyon ang BJMP jail nang sa gayon ay bumilis ang pagdinig sa kaso ng mga detainee?

Kung mapapabilis ang pagdinig, dalawang bagay lang ‘yan, makalaya o tuluyang maibiyahe sa National Bilibid Prison (NBP) o sa Correctional ang mga detainee.

Ang siste, alam na alam ninyo ‘yan, na pinatatagal ang pamamalagi ng mga detainee para may gatasan ang sindikato sa loob ng BJMP?!

Palagay naman natin, Director Barretto, hindi lingid sa kaalaman ninyo na may kanya-kanyang tara ang mga detainee.

Kaya nga napipilitan silang sumanib sa iba’t ibang gang para magkaroon sila ng proteksiyon, hindi ba? Kasi kung hindi sila sasanib sa alinmang gang, tiyak na tiyak, mababalagoong sila.

Kung kaya pala ni Director Barretto na i-decongest ang BJMP jails, aba, isabay na niya ang decongestion ng corruption.

Ano sa palagay ninyo, Director Barretto?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *