Monday , December 23 2024

Don’t panic sa ‘unverified & unvalidated’ informations

PINAGKAKAGULUHAN sa social media ang lumabas na unverified memo na nagsasabing may banta ng pag-atake ang Maute Group sa Metro Manila ngayong 30 Hunyo 2017.

Kaya naman todo-paliwanag si NCRPO chief, Director Oscar Albayalde sa publiko na ang babala sa nasabing memorandum ay “unverified and unvalidated.”

Kaya nga hindi umano ito inilalabas sa publiko dahil wala naman silang nakakalap na impormasyon.

Gusto po natin itanong sa PNP, hindi po ba ninyo alam na ang kagayang memorandum ay laging kumakalat sa social media at iniiba lang ang petsa at pangalan ng mga pulis?!

Isa pa pong tanong, kung unverified and unvalidated, ano na po ba ang kasalukuyang status ng nasabing memorandum bukod sa sinabi ni Northern Police District director, Chief Supt. Roberto Fajardo na iniutos niya ang administrative relief sa opisyal ng Philippine National Police (PNP) na bumuo ng memorandum hinggil sa sinasabing planong pag-atake ng Maute group sa Metro Manila, at kumalat sa social media.

So, pinangangatawanan ng NPD na gawa talaga nila ang nasabing memorandum?

Parang sinasabi rin nila na hindi ‘yan ‘yung umiikot sa social media everytime na parang may gustong mambulabog sa peace and order sa Metro Manila?!

Aba, kung pinangangatawanan nila ‘yan, dapat imbestigahan ang kanilang unverified and unvalidated info, huwag sibakin agad ang opisyal na nakapirma.

E paano kung mayroon naman palang basehan ang nasabing memo?!

E parang panic mode naman sa hanay ng PNP kung bigla na lang sisibakin ang opisyal ng PNP nang hindi pa naiimbestigahan.

Anyway, sa publiko naman, huwag din pong mag-panic. Maging alerto lang po at iwasan munang pumunta sa mga lugar na puwedeng ma-ging target ng Maute Group.

‘Yung mga establisiyemento, institutions at vital installations na puwedeng maging target ng mga terorista, doon dapat maging mahigpit ang security force.

Alalahanin natin, na ang mga terorista ay hindi nag-iisa, hindi gaya ni Jessie Carlos na solo lang nang umatake sa Resorts World Manila (RWM) pero dahil hindi nga handa ang security group, dumami ang casualties.

Kaya lang naman tayo nagpa-panic, e dahil hindi tayo sigurado sa mga puwersang dapat mangalaga sa ating seguridad.

Pero kung nabibigyan ng assurance ang publiko na kayang mangalaga ng mga tagapagligtas palagay natin e hindi sila magpa-panic.

‘Yun lang po ang kailangan ng publiko para patuloy silang magtiwala na kaya silang iligtas ng pulisya.

‘Yun lang po, ‘di ba?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *