DAMANG-DAMA ang pakikisaya ng mga manonood sa buong bansa sa kasalan nina Anton (Ian Veneracion) at Andeng (Bea Alonzo) matapos pumalo ang naturang episode ng “A Love to Last” sa panibagong all-time high national TV rating nitong Biyernes (16 Hunyo) at naging top trending topic sa social media.
Lumuha sa kagalakan at kinakiligan ang mga pangyayari sa tinaguriang ‘wedding of a lifetime’ sa telebisyon kaya naman nakakuha ang serye ng national TV rating na 24.3% mula sa pinagsamang urban at rural homes, kompara sa 12.8% ng kalabang programa, ayon sa datos ng Kantar Media.
Gumagamit ang Kantar Media ng 2,610 kabahayan sa parehong urban at rural areas sa bansa sa pangangalap ng datos. Mas marami at eksakto kaysa service provider ng ibang networks gaya ng AGB Niel-sen, na mayroong 2,000 kabahayan na nakabase lamang sa mga urban area.
Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga kabahayang may telebisyon sa Filipinas, habang 57% lamang ang kinakatawan ng AGB Nielsen dahil hindi kasama ang rural areas sa datos nito. Patok din ang kasalan sa netizens na ibinahagi kung paano sila na-touch at na-inspire ng naturang kasalan. Umani ito ng maraming pa-puri online kaya naman trending sa Twitter ang official hashtag ng programa na #ALTLTheWedding.
“Kudos to ALTL sa pagpapaalala sa amin ng halaga ng pamilya at ng pagpapanatili ng tradis-yon. Ang programang ito ay para sa lahat. Marami kaming natututuhan,” sabi ni @Leanna_Yza-belle. Pahayag ni @conermata101, “TonDeng wedding is such a goal. Hindi talaga mahalaga ang edad.”
“The wedding is so realistic and heartfelt. Grabe ang kilig full of love, hands up to all who made this episode,” saad ni @alovetolastfans.
Sa pagpapatuloy ng kuwento ngayong linggo, abangan ang karugtong ng kasal at ang mangyayari pa sa kanilang reception at honeymoon. Ngayong kasal na sila, ano-ano pa ka-yang pagsubok ang haharapin ng bagong mag-asawa?
Huwag palalampasin ang “A Love to Last” pagkatapos ng “La Luna Sangre” ng KathNiel sa Primetime Bida sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (Sky ch.167). Para sa nakalipas na episodes ng programa, mag-log on lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.
RICKY BOY NINA CARDO AT ALYANA
SA “FPJ’S ANG PROBINSYANO”
BIKTIMA NG CHILD TRAFFICKING
Napalitan nang matinding kalungkutan ang masaya sanang bonding ng mag-amang Cardo (Coco Martin) at Ricky Boy kasama nina Paco (Long Mejia) at bagong pasok na karakter sa FPJ’s Ang Pro-binsyano na si Vickie Rushton bilang Amanda na panggulo sa relasyong Cardo at Alyana (Yassi Pressman).
Habang nasa peryahan kasi ay biglang nagkagulo na agad pinuntahan ni Cardo pero ang ending nakawala sa pagkakahawak ni Amanda si Ricky Boy na pinag-interesan ng isang Ale na miyembro ng child trafficking. Dialogue pa ng Ale, dapat hindi makawala sa kanila ang bata dahil first class at puwede nilang ibenta sa mayaman. Nagtagumpay na makuha si Ricky Boy at halos mabaliw si Cardo sa pagkawala ng kanyang anak at nagsisigaw nang “Huwag ang pamilya ko, huwag ang anak ko!”
Paano na ang cute at guwapong baby nina Cardo at Alyana nasaan na siya at ano ang kalagayan niya ngayon? Mahanap pa kaya siya at mailigtas ng kanyang tatay Cardo?
Abangan ‘yan sa paborito ninyong “FPJ’s Ang Probinsyano na mas pinaganda at maaksiyon sa kanilang bagong yugto pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida.
LAST HEARTBEAT NG “MY DEAR
HEART” NAG-IWAN NG MAGANDANG ARAL
NG KABUTIHAN SA MGA MANONOOD
Walang itulak kabigin ang husay at galing ng performance ng buong cast ng “My Dear Heart” sa kanilang last heartbeat o finale episode na napanood noong June 16 (Friday).
Si Ria Atayde na gumaganap na Dra. Gia Lana ang tindi ng pinakawalang emosyon na walang patid ang iyak habang pinagmamasdan ang mommy na si Dra. Margaret (Coney Reyes) na nag-aagaw buhay.
Ang mag-asawang Jude (Zanjoe Marudo) at Clara (Bela Padilla) kasama nina Lola Lucing (Rio Locsin) at Lolo Barangay Captain Tope (Joey Marquez), Agatha (Loisa Andalio), Bingo (Enzo Palojero) at tiyahing si Piling (Rubi Rubi) at Father Gab (Sandino Martin) ay hawak kamay sa pag-asang makare-recover o makasu-survive ang minamahal nilang lahat na si Heart (Nayomi “Heart” Ramos).
Nakaaantig ang sumunod na eksena na dahil sa sobrang pagmamahal ni Lola Doktora (Margaret) sa kanyang apong si Heart ay isinakripis-yo niya ang kanyang buhay at siya ang kusang sumama sa ‘pu-ting liwanag’ at nabuhay nga si Heart na pinatawad na rin ang nagkasala sa kanya at bumaril kay Margaret na si Dok Francis Ca-millus (Eric Quizon) na nakakulong na.
Nag-iwan ng aral ng kabutihan ang hu-ling gabi ng MDH. Walang magulang o grandparents na hindi magsasakripisyo lalo sa kanilang mga mahal sa buhay.
Kudos to team Dreamscape Entertainment, sa lahat ng mga writer at director ng serye na sina Jojo Saguin at Jerome Pobocan nakalikha na naman kayo ng dekalidad at klasikong teleserye na mag-iiwan ng tatak at hindi malilimutan ng lahat ng mga manonood.
Samantala bilang pasasalamat sa malaking tagumpay ng MDH ay nagdaos ng Thanksgiving Mass ang cast at production team ng Dreamscape na dinaluhan ng lahat.
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma