Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sarah Lahbati, may ibubuga sa pag-arte; ikinokonsiderang maging Valentina

MARAMI ang kinilig kina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa special screening ng Ang  Pagsanib Kay Leah Dela Cruz ng Kamikaze Pictures, Reality Entertainment, at Viva Films.

Sinorpresa at sinuportahan ni Chard si Sarah nang dumating siya sa Cinema 1 ng Robinsons Galleria, sa Ortigas. Inuna niya muna ito bago hinabol ang pilot telecast ng serye niyang La Luna Sangre kasama sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Hindi akalain ni Sarah na darating si Richard.

Rebelasyon din dahil suot-suot ni Sarah ang promise ring na bigay ni Richard sa kanya. For the first time ay ipinakita niya ito. Matagal nang ibinigay ng actor sa kanya, mga apat na taon na. Naniniwala rin si Sarah na malapit nang dumating ang pag-iisandibdib nila. Gusto niya ay taglamig ‘pag nagpakasal siya. Ayaw niya ng Hunyo dahil mainit pa at mahuhulas siya.

Samantala, marami ang nakapansin na kinarir ni Sarah ang pelikulang  Ang Pagsanib Kay Leah Dela Cruz dahil  magaling siya sa pelikula. May ibubuga talaga siya sa pag-arte. Kasama rin niyang bida sa pelikula sina Shy Carlos at Julian Trono.

Posibleng magustuhan siya ni Direk Erik Matti (producer ng pelikula at magiging director ng Darna) na gawing Valentina sa Darna movie. Pero patuloy na tahimik ang Star Cinema at Direk Matti kung sino ang magiging Valentina.

Pero kung mapipili si Sarah ay gusto niya ang nasabing role. Okey lang sa kanya na maging kontrabida.

”Kung para sa akin, para sa akin. Kung para sa iba, para sa iba,” katwiran ni Sarah.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …