Sunday , December 22 2024

Education Act ng 1982

PASUKAN na naman at tiyak na nagkukumahog ang mga magulang dahil sa taas ng tuition at gamit sa eskuwela.

Pero ang hindi alam ng marami ay malaki ang kaugnayan ng Batas Pambansa 232 o Education Act ng 1982 sa taas ng tuition fee. Dangan kasi ang batas na ito ang nagsapribado at komersiya-lisado ng sistema ng edukasyon sa Filipinas.

Ang Ed Act ng 1982 ay bahagi ng pandaigdigang plano ng International Monetary Fund at World Bank na bumuo ng tinatawag na murang labor pool sa mahihirap na bansa tulad ng Filipinas para sa merkado ng mundo. Kung kakaunti nga lamang ang magkakaroon ng mataas na pinag-aralan sa mahusay na eskuwelahan ay darami ang tatanggap ng trabaho, kahit na mababa ang suweldo rito sa atin o kaya ay sa ibang bansa.

Ang bunga ng planong ito ng IMF/WB ito ay kitang-kita natin ngayon. Pansinin na ang pinakamalaking iniluluwas ng Filipinas sa mundo ay murang lakas paggawa. Ito ang dahilan kaya milyon ang Filipino na nag-a-abroad. Nakadisenyo kasi ang sistema ng edukasyon para maging utusan tayong mga Filipino ng mundo, hindi para maging lider dito.

Bukod dito ay bumaba rin ang kalidad ng mga eskuwelahan at dumami ang mga patakbuhin o pipitsuging paaralan mula elementarya hanggang kolehiyo. Katunayan nito, noong nakaraang taon ay walong unibersidad lamang mula sa ating bansa ang pumasok sa talaan ng 350 pinakamahusay na unibersidad sa Asya.

Ang walong ito, ayon sa QS university ranking, ay ang sumusunod: University of the Philippines na nasa ika-70 puwesto, Ateneo de Manila University na pang 99 puwesto, La Salle University na napunta sa 143 puwesto, University of Santo Tomas na naging pang 157 puwesto. Samantala ang Ateneo de Davao, Siliman University and Xavier University ay pare-parehong nasa ika 251-300 puwesto at nangulelat ang University of San Carlos na nasa ika 301-350 puwesto.

Mantakin na lamang, sa dinami-rami ng mga unibersidad sa atin ay walo lamang ang kinilala sa buong Asya bilang mahusay na paaralan na pang tersera kurso at napansin n’yo ba na tanging UP lamang ang pampublikong paaralan rito?

Ang nakapanlulumo na kalalagayan ng sistemang pang edukasyon sa Filipinas ang dahilan kung bakit dapat manindigan ang bayan. Dapat kumilos tayo upang maibasura ang Ed Act ng 1982 at mapalitan ng isang batas na tunay na magsu-sulong ng interes ng bayan at mga mag-aaral.

***

Interesado raw sa mga makabagong helicopter at maliliit na armas ang administrasyong Duterte para sa hukbong sandatahan. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com

Sana ay makaugalian ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.

***

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.

USAPING BAYAN – ni Rev. Nelson Flores, Ll.B., MSCK

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *