IMPRESIBO ang panalo ni WBA, WBO at IBF light heavyweight champion Andre “SOG” Ward (32-0, 16 KOs) kay Sergey “Krusher” Kovalev (30-2, 25 KOs) sa rematch nila nung Linggo sa Las Vegas.
Sa nasabing laban ay nag-ambang maghahain ng protesta ang kampo ni Kovalev sa naging resulta ng laban dahil sa inaakala nilang “low blow” ang tumama sa bodega nito sa 8th Round na naging daan para bugbugin nang tuluyan ni Ward ang challenger.
Pero nang rebyuhin ang tape ng sinasabing low blow, naging malinaw sa lahat maging sa mga hurado na lehitimong suntok sa tiyan ang nagpagiba kay Kovalev.
Ngayong itinuring na undisputed light heavyweight champion si Ward, marami ang nagtatanong na miron sa boksing kung aakyat sa mataas na timbang ito sa cruiserweight o heavyweight division.
Nang kapanayamin ng mga mamahayag si Ward ay ganito ang kanyang naging kasagutan, “It’s serious, that’s a real thing.”
“I don’t have anything on the books right now for a cruiserweight fight, a heavyweight fight. I know it sounds crazy when you’re a light heavyweight, and I’m not the biggest light heavyweight,
“I do really well against big fighters because of my stamina, and though I’m not the biggest, I’m strong. So if the right opportunity and the right fighter comes along, anything is possible. That’s not just talk, that’s real,” dagdag na pahayag ni Ward.