NANAWAGAN ang Palasyo sa mga magulang na bantayan mabuti ang mga anak na nalululong sa internet at social media dahil sa posibilidad na marekluta ng international terrorist organizations.
Sa Mindanao Hour press briefing sa Palasyo kahapon, inihayag ni Armed Forces of the Phi-lippines (AFP) Spokesman B/Gen. Restituto Padilla, sinasamantala ng mga teroristang grupo ang hilig ng mga kabataan sa internet at social media upang manga-lap ng mga kasapi.
“They are practicing ultra violent intimidations and are doing recruitment remotely through the Internet and social media and what have you and they have been very good at this because they are net savvy and net capable,” sabi ni Padilla.
Hinimok ni Padilla ang publiko na palakasin ang pundasyon ng pa-milya, bantayan ng mga magulang ang aktibidad ng mga anak sa internet upang maiwasan na malaglag sila sa bitag ng mga terorista.
“Ang tinatarget nila dito ‘yung mga bata e and that is what we have to safely guard against with. So if we can strengthen our family, parents watching over the activities of their children so that they know what’s going on whenever they are on the net, then that will be better so they can immunize our children from potential works that are being done by these groups,” dagdag ng heneral.
Hindi lang aniya nakasalalay sa kamay ng mga awtoridad ang paglaban sa terorismo, kai-langan aniyang katuwang ang mga mamamayan upang maisalba nang lubos ang bansa sa inihahasik na lagim at karahasan nito.
ni ROSE NOVENARIO
Himok ng AFP
HUMAN SECURITY
ACT IPATUPAD
NG BI PERSONNEL
HINIMOK ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman B/Gen. Restituto Padilla ang mga opisyal at kagawad ng Bureau of Immigration (BI) na palakasin ang kanilang hanay at mahigpit na ipatupad ang Human Security Act o Anti-Terror Law upang mapigilan ang pagpasok ng mga dayuhang terorista sa Filipinas.
Napaulat na may mga nakuhang passport sa napatay na foreign jihadist sa Marawi City, na nakalusot sa NAIA at nagtungo sa Cagayan de Oro City.
Nabatid na nagmula ang foreign terrorist sa Indonesia at nagpunta sa Singapore bago pumasok sa Filipinas.
“Kaya kailangan din patibayin natin o palakasin natin ‘yung ating procedures sa Immigration. So ito ‘yung unang line of defense natin e. Kaya nga noong nakaraang linggo, sinabi natin, iminungkahi natin na kinakailangan siguro na tingnan nang mabuti ‘yung Human Security Act para mas ma-ging matibay ‘yung puwedeng gawin para hara-ngin ‘yung pagpasok ng mga ganitong klaseng indibiduwal,” giit ni Padilla. (ROSE NOVENARIO)