Sunday , November 17 2024

Ang US$30 flip flop ni Wonder Woman

SADYANG kinagiliwan si Gal Gadot sa pagganap niya bilang Wonder Woman—sino nga ba ang hindi?—pero kinabibiliban din ngayon ang pagiging fashion ‘wonder woman’ ng aktres.

Case in point: suot ni Gadot ang isang pares ng US$30 platform flip flops sa ilalim ng kanyang glamoro-song gown sa premier ng kanyang pelikulang Wonder Woman sa Mexico City, ulat ng magazine na Glamour, at talagang siya ang itinuring na bayani ng fans na dumalo at nakasaksi sa nasabing event.

Inirampa ng aktres ang super chic at comfy shoes sa red carpet ng premier night nitong nakaraang Mayo 27.

Nag-post sa Instagram ni Gadot ang sty-list na si Elizabeth Stewart ng larawan ni Wonder Woman at binanggit nito ang ginamit na sapatos ng aktres sa kanyang photo caption. Hinulaan ng Glamour na tinukoy ni Rocket Dog shoes Stewart ang kanilang Bigtop Sandals… at maaaring makabili nito sa pamamagitan ng Urban Outfitters sa halagang US$29.99!

Ikinatuwa ng fans at mga nagmasid sa Wonder Woman premier ang desisyon ni Gadot na unahin ang pagiging kompor-table sa suot niyang shoes kaysa halaga o pagiging fashionsita kaya kahit US$30 ang kanyang flip flops ay okay lang sa aktres.

Kaugnay nito, alam ba ng ating mga reader na ang terminong flip-flop ay ginamit sa American at British English simula pa noong 1970s para ilarawan ang thong o no-heel-strap sandals?

Sa katunayan, ito’y onomatopoeia ng tunog ng sandals habang inilalakad. Sa Australia, ang tawag dito ay sandals — ang orihinal na trademarked name mula sa ‘Japanese sandals’ sa New Zealand.

Kung sa South Africa naman, ang tawag dito ay flops at sa Filipinas ay mas kilala ito bilang tsinelas or dili kaya ismagol (smuggle) sa Kabisayaan.

May iba pang tawag dito depende sa lugar na pinagmumulan sa mundo:  hawai chappal sa India at  Pakistan,  zôri sa Japan na tradisyonal na straw sandals, dép tông o dép xÏ ngón sa Vietnam, chinelos sa Brazil, japonki sa Poland,  dacas sa Somalia, sayonares sa Greece, Schlapfen sa

Austria, slippers sa Hawaii, Trinidad at Tobago at Netherands, infradito sa Italy, djapanki sa Bulgaria, charlie wote sa Ghana at vietnamki sa Russia at Ukraine.

ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *