ITINIGILni reperi Tony Weeks ang laban sa 8th round nang ulanin na ng suntok si Sergey Kovalev mula sa atake ni Andre Ward.
Pero sa post-fight press conference simulang nagkagulo ang fans. Ayon kay Per Yahoo Sports’ Chris Mannix, ang Main Events ay may intensiyon na mag-file ng protesta sa naging resulta ng laban. Ayon kay Mannix, tumirik si Kovalev sa 8th round dahil sa paulit-ulit na low blows ni Ward.
Maraming fans ni Ward ang nagalit sa Main Events dahil wala silang nakitang mali sa suntok ng kanilang manok sa laban. Ayon sa kanila, lehitimong suntok ang dumapo sa bodega ni Kovalev kung kaya tumukod sa laban.
Sumenyas si reperi Weeks na itinitigil niya ang laban sa 8th round dahil inulan na ng suntok si Kovalev na naging dahilan ng pagkalog ng tuhod nito. Dalawa pang matitinding suntok ang pinadapo ni Ward sa bodega ni Kovalev na lalong nagpangiwi ng mukha ng challenger.
Sa review ng tape, hindi malinaw kung tinamaan nga below the belt si Kovalev ng mga suntok ni Ward. Pero naniniwala si Duva ng Main Events na may ebidensiya na nagpapatunay na puwedeng magsampa ng protesta.
Ito ang ikalawang pagkakataon na nanalo si Ward kay Kovalev. Noong Nobyembre, sa una nilang pagtatagpo ay ibinigay ang desisyon kay Ward via unanimous decision. Bagay na inangalan din ng kampo ni Kovalev. Bagama’t hindi sila nagprotesta, hayagang sinabi nila na dapat ay nanalo si Kovalev.