Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Resolusyon ng Pasay City council

Dragon LadySA pamumuno ni Sangguniang Panlungsod ng Pasay, Noel del Rosario, isang Resolusyon Blg. 40-42, series of 2017, ang kanilang iniakda na nagsasaad ng taos-pusong pakikidalamhati sa lahat ng pamilya ng biktima ng Resorts World Manila tragedy, na naging sanhi ng kamatayan ng may 36 katao dahil sa suffocation, at pagkamatay ng lone gunman na si Jessie Javier Carlos, noong nakalipas na 2 Hunyo.

***

Magugunitang sinuspendi ng PAGCOR, sa pa-ngunguna ni Chairman Andrea Domingo ang operation ng RWM, at maging ang business establishments, cinema at iba pa ay ipinasara muna, habang isinasagawa ang masusing imbestigasyon.

Kung muling mag-ooperate ang RWM, wala pang deklarasyon kung magpapatuloy ang ope-rasyon nito.

***

Sa pagtigil ng operasyon ng RWM, marami na naman ang nawalan ng trabaho, samantala piyestang- piyesta naman ang ibang Casino gaya ng City of Dreams, Solaire, at Okada na pawang matatagpuan sa lungsod ng Parañaque. Marami na ring empleyado ng RWM ang lumipat na sa mga nabanggit na Casino.

***

Totoo ba na ang Lanting Security Agency ang mga nakatalagang guwardiya sa RWM, na ayon sa mga impormasyons nakarating sa atin ay maraming kakulangan sa naganap na trahedya.

Isang impormasyon ang aking nakalap na ang Lanting Security Agency kaya nagwawagi sa mga bidding ay malakas daw maghatag sa mga miyembro ng Bids and Awards Commitee sa mga Casino.

Para manalo, kayang-kaya nilang magbigay ng tig-iisang kotse sa mga miyembro ng BaC. Kung ganyan ang sistema ng pagpili ng magwawagi, posibleng hindi talaga magkakaroon ng maayos o ma-titinong Security Agency ang isang establisyemento gaya ng RWM, dahil hindi tini-tingnan ang kakayahan ng mga guwadiya kundi ang kakayahan ng may-ari ng Agency kung anong ‘padulas’ ang ibibi-gay!

***

Heto ang resulta ng matatakaw na miyembro ng BAC, 36 katao ang nagbuwis ng buhay! Sana kasama ang mga guwadiya na may kapabayaan sa trahedya at hindi ang mga inosenteng tao!

***

Hinihintay pa natin ang listahan ng mga pa-milya na magsasampa ng kaso laban sa RWM, para sa akin hindi sapat ang libreng libing at serbisyo, pati na ang isang milyong piso na unang pinagkaloob ng management ng RWM. Lalo pa’t may isang biktima na empleyado mula sa RWM na breadwinner ng kanyang sariling pamilya! Sa mahal ng gastusin, lalo kung may maliliit pang mga anak na pinag-aaral, saan makararating ang isang milyong piso, kompara sa hanggang mapagtapos at mapakain ang iyong pamilya.

Kung sa bagay, kaysa naman masagasaan ng hindi kilalang tao, o ma-hit-and run, sa RWM kahit paano may pakinabang, pero sa ganang atin, kulang ang isang milyong piso!

ISUMBONG MO KAY DRAGON LADY – Amor Virata

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …