SUMASAYAW ang tubig ng mga lawa sa southern India kasabay ng ritmo ng mga sagwan — ang choreography para sa regatta ng Kerala ay itinuturing na most populous dance sa bansa, at sinasabi ring pinakamataong sayaw sa buong mundo.
Apat na raang taon makalipas, sa tubig nirerersolba ang mga away sa pagitan ng mga hari ng Kerala. Dito sila nagsisipaglaban sa ibabaw ng kanilang bangka habang naglala-yag sa mga kanal ng lungsod. Ang magwawagi ay yaong pinakamatibay na bangka habang ang matatalo ay tatanggap ng kamatayan.
Devanarayana ang pangalan ng kauna-unahang arkitekto na dumisenyo sa unang chundan vallam o snake boat. Ang proa nito’y gumugunita sa ulo ng tumutuklaw na cobra. Ito ang tradisyonal na bangkang pandigma ng Kerala.
Sa modernong panahon, habang hindi na madugo ang ginagawang labanan, nakasalalay din ang reputasyon ng iba’t ibang bayan sa paligsahan. Isinasagawa ito taon-taon sa Alappuzha — na kilala din bilang Alleppey, o Venice of the East.
Ang pinakamahalagang karera ay yaong ginagawa para sa Nehru Trophy, bilang parangal sa dating Punong Ministro ng India na si Sri Pandit Jawaharlal Nehru.
Habang ang regatta para sa Nehru trophy ay ikinokonsiderang pinakamalaking event ng tradisyon, ang pinakamatanda ay Champakkulam Moolam.
Ginagawa ito may layong 25 kilometro mula sa bayan ng Alappuzha, at ito ang nagbibigay tanda sa simula ng racing season sa Kerala.
Sa kabilang dako, ang Payippad Jalotsavam regatta ang sinasabing pinakamahaba sa pagganap nito ng tatlong araw sa Lawa ng Payippad.
ni Tracy Cabrera