Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Serye ni Jen, ‘di pa rin makaarangkada sa My Dear Heart

NGAYON na ang huling gabi ng programang My Deart Heart at wala pa ring idea ang manonood kung mabubuhay si Heart (Nayomi Ramos) at kung paano ang set-up niya sa pamilya at mommy niyang si Dra. Guia Divinagracia (Ria Atayde).

Tinanong namin si Ria kung paano tatapusin ang MDH, “wala pa po ang day 5 script sa akin ha, ha,” sagot ng dalaga.

Ganoon?

Anyway, consistent na mataas ang ratings ng My Dear Heart kompara sa katapat nitong programa sa GMA 7 na simula noong umere ay hindi na nanalo sa ratings game.

Nitong Miyerkoles ay umabot sa 26.3% (MDH) vs 15.5% (MLFTS) nationwide, sa Urban ay 25% (MDH) vs 16.8% (MLFTS) at sa Rural ay 27.7% (MDH) vs 14.1% (MLFTS).

Samantala, Kamakailan ay nag-abot ng tulong at pag-asa ang cast ng My Dear Heart sa mga pasyente ng Philippine Heart Center bilang pasasalamat sa tagumpay ng kanilang teleserye.

Napuno ng tuwa ang heart disease patients nang dalawin at personal silang kilalanin ng kanilang mga paboritong artista mula sa My Dear Heart.

Nagdala rin ng saya ang cast sa paghahandog nila ng mga munting regalo na makatutulong para sa pamilya ng mga pasyente.

Going back to Ria ay hindi pala niya napanood ang Can We Still Be Friends premiere night noong Martes sa SM Megamall dahil bumalik siya sa taping ng My Dear Heart.

“Didn’t get to watch po, I walked red carpet tapos back to taping na po, ” sabi ng baguhang aktres.

FACT SHET – Reggee Bonson

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …