KASUNOD ng trahedyang naganap sa Resorts World Manila (RWM), nais ng Kongreso na sila ang may kapangyarihan sa pag-iisyu ng mga lisensiya sa casino operators.
Ano ito?
Kung magiging ganap na batas, sabi ng kongreso magiging regulatory, at lahat ng prangkisa ay manggagaling sa kongreso.
***
Ganito rin ang gagawin sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), lotto outlets at sa mga small time lottery (STL).
Kanilang kukunin ang kapangyarihan ng PCSO. Ang tanging trabaho ng PCSO ay charity works lalo sa mga nangangailangan ng gamot at nagpapagamot.
***
Ito nga kaya ang layunin ng kongreso? Pati ang pag-iisyu ng mga prangkisa sa mining corporations ay kinukuha na rin ng Kongreso, kabilang ang LFTRB. Hindi ba masyado na yatang naging ‘suwapang’ ang kongreso para akuin ang lahat ng kapangyarihan ng ibang ahensiya?
***
Hindi ba kaya ang tawag sa kanila ay mambabatas, para gumawa ng batas? Hindi para mang-agaw ng kapangyarihan? Maghunos-dili kayo kongreso!
Hindi dahilan ang sinasabi ng kongreso na maging estrikto. Puwede naman bigyan o gumawa ng batas para sa paghihigpit sa pagbibigay ng lisensiya o prangkisa sa mga ahensiyang dapat magkaloob nito, hindi ‘yung aagawain ng Kongreso ang kapangyarihan.
Sa palagay ba ninyo mga ‘igan, tama ba si House Speaket Bebot Alvarez sa kanyang pag-angkin sa kapangyarihan?
I doubt na walang money talks dito kapag nangyaring maagaw nila.
***
Okey lang sana kung ang makikinabang ay kongresman na may casino, e kung lahat ‘yan bibigyan, tiyak mag-aagawan kung sino ang mga miyembro ng komite.
ISUMBONG MO KAY DRAGON LADY – Amor Virata