Sunday , December 22 2024

Chief assessor ng BIR dist. 28 patay sa ambush

061517_FRONT
DEAD on the spot ang isang opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) makaraang barilin ng gunman sa West Avenue, Quezon City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Alberto Enriquez, hepe ng assessment section ng Bureau of Internal Revenue District 28.

Si Enriquez ay binaril pagbaba sa kanyang sasakyan sa harap ng isang apartelle na katabi ng gusali ng BIR.

Sa inisyal na impormasyon, papasok sa trabaho si Enriquez at kabababa sa sasakyan nang barilin ng suspek na lulan ng motorsiklo.

INIIMBESTIGAHAN ng mga operatiba ng QCPD-SOCO ang bangkay ni Alberto Enriquez, assessment section chief ng Bureau of Internal Revenue District 28 makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem sa West Avenue, Quezon City. (ALEX MENDOZA)
INIIMBESTIGAHAN ng mga operatiba ng QCPD-SOCO ang bangkay ni Alberto Enriquez, assessment section chief ng Bureau of Internal Revenue District 28 makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem sa West Avenue, Quezon City. (ALEX MENDOZA)

Ayon kay BIR District 28 Director Marina De Guzman, hindi niya masabi kung may kinalaman sa trabaho ang pagpatay kay Enriquez.

“I was informed that the chief of assessment section of RDO 28 Nova-liches was brutally killed, shot with only one gunshot wound. The guard did not allow anyone to approach the body,” ani Guzman.

“The work or responsibility of the chief of assessment section is to overlook or oversee the functions of the revenue officers involved in the examination or investigation of tax cases of taxpayers.”

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

ni ALMAR DANGUILAN

MAG-ASAWANG ENGINEER,
ABOGADO TODAS SA AMBUSH

KAPWA namatay ang mag-asawang engineer at abogado makaraan pagbabarilin ng riding in tandem habang pauwi sa kanilang bahay sa Las Piñas City, nitong Martes ng gabi.

Hindi umabot nang buhay sa Perpetual Help Medical Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan mula sa kalibre .45 baril ang mag-asawang sina Engineer Felipe Yumol, 53, at Atty. Dolores Yumol, 57, residente sa Circle Drive, VAA Homes 2, Brgy.Talon 2, ng lungsod.

Base sa inisyal na ulat kay Southern Police District (SPD) director, Chief Supt. Tomas Apolinario, Jr., nangyari ang insidente sa kanto ng Castillo at E. Trinidad streets, San Isidro Subdivision, Brgy. Pamplona 1, dakong 6:00 pm.

Salaysay ng isang 19-anyos saksi, sakay ang mag-asawang biktima sa Toyota Altis (ZJL-262) at habang binabaybay ang naturang lugar, hinarang sila ng mga suspek na lulan ng motorsiklo at sila ay pinagbabaril.

Masusing iniimbestigahan ng Las Piñas City Police ang insidente at i-naalam kung ano ang motibo nang pagpaslang sa mag-asawa.

(JAJA GARCIA)

TRAFFIC ENFORCER
ITINUMBA SA CALOOCAN

PATAY ang isang traffic enforcer makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang riding-in-tandem sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw.

Agad nalagutan ng hininga ang biktimang si Perfecto Martin, 53, traffic enforcer ng Caloocan City Department of Public Safety and Traffic Management (Caloocan-DPSTM).

Ayon sa ulat, dakong 4:00 am, nakatayo ang biktima sa harap ng kanilang bahay sa Banker’s Village, Brgy. 171, Bagumbong nang dumating ang isang motorsiklo at pinagbabaril siya ng mga suspek at pagkaraan ay mabilis na tumakas.

(ROMMEL SALES)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *