Friday , November 15 2024

Tama ba ang Batas Militar laban sa mga kriminal?

HIGIT sa lahat, dapat matanim sa ating isipan na ang mga miyembro ng Maute at Abu Sayyaf ay sangkot sa mga karumal-dumal na krimen bago pa nangyari ang kaguluhan sa Marawi City. Sila’y mga kriminal na nagbabalatkayong jihadist o mandirigma ng Islam.

Huwag tayong pabobola sapagkat ang kanilang pagiging biglaang jihadist ay maliwanag na paraan lamang upang mapagtakpan ang kanilang pagiging arkiladong mamamatay tao, magnana-kaw, kidnapper o di kaya’y tulak ng bawal na gamot. Pansinin na matapos silang puspusang tugisin ng mga awtoridad dahil sa kanilang mga krimen ay saka lamang nila niyakap ang kaisipang militanteng Islam at idineklara na ibig magtayo nang isang caliphate o kaharian ng mga Muslim sa buong Filipinas.

Sapat ba ang pagsasabi na sila’y mga jihadist na ibig magtayo ng caliphate para sila’y kilalanin na mga lehitimong rebelde’t hindi pusakal na kri-minal?

Nakasaad sa Article 134 ng ating Kodigo Penal na sinusugan ng Republic Act 6968 ang ganito: “…rising and taking arms against the Government for the purpose of removing from the allegiance to said Government or its laws, the territory of the Republic of the Philippines or any part thereof, of any body of land, naval or other armed forces, or depriving the Chief Executive or the Legislature, wholly or partially, of any of their powers or prerogatives.”

Sa biglang tingin, ang kanilang kagustuhan na ibagsak ang Republika upang mapalitan ng isang caliphate ay rebelyon at ang kanilang pagiging pusakal na kriminal ay hindi hadlang upang sila’y maging mga rebelde. Sa kabila nito, walang batas na pumipigil sa pamahalaan para sila’y kasuhan sa korte bilang ordinaryong mga kriminal.

Kung tutuusi’y malaking insulto sa mga lehitimong rebolusyunaryo na itratong ‘rebelde’ ang mga kriminal kahit na sinasabi nilang sila’y mga jihadist na. Bukod dito’y maaring mabibigyan ng lehitimisasyon ang ilan sa kanilang mga krimen kung ituturing silang rebelde ng pamahalaan.

Sangayon ako sa sinabi ni Senadora Risa Hontiveros “na walang karapatang maupo sa hapag ng mesa ng kapayapaan ang mga miyembro ng Maute at Abu Sayyaf” dahil nga hindi sila mga rebelde. Ang kanilang mali at makasariling pag-intindi sa katuruan ng Islam ay hindi paraan para sila’y unawain bilang mga rebelde.

Ang mga miyembro ng Maute at Abu Sayyaf ay kumikilos hindi dahil ibig nila ng katarungan sa lipunan o kalayaan sa pananampalataya dahil walang inaapi sa ating bayan dahil sa relihiyon. Sila’y kumikilos para magkapera nang madali.

Sa kabilang banda, ang mga tunay na rebelde ay kumikilos, nagbubuwis ng buhay o nabubuhay dahil sa paglilingkod sa mamamayan upang matugunan ang kawalan ng katarungang panlipunan at pakikialam ng mga dayuhan sa ating bayan.

Kaya ang tanong ko’y ito: Kung hindi rebelde ang mga kasama sa Maute at Abu Sayyaf ay nangangahulugan na walang rebelyon at kung walang rebelyon tama ba na ideklara ang martial law? Hindi kaya mas mainam na magpatupad na lamang ng mahigpit na police action laban sa mga kriminal?

***

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Ma-kiling.

Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.

USAPING BAYAN – ni Rev. Nelson Flores, Ll.B., MSCK

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *