Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘Pro-porma’ na TVC hilig na hilig ng PH Tourism

TOURISM is a very creative job.

Sabi nga kapag sa tourism sector ang trabaho o ito ang tungkulin na nakaatang sa isang tao, mayroon dapat siyang kakaibang kakayahan, mabilis mag-isip at dapat ay laging sariwa o fresh ang mga ideya.

Kaya nagtataka tayo kung bakit laging nagugulangan o naloloko ang Department of Tourism (DoT) ng mga nakukuha nilang ad agency.

Hindi ba sila creative mag-isip? O nag-iisip pa nga ba ang mga taga-Tourism?

E ang nakikita ng netizens sa social media ‘yung biyahe nang biyahe sila, kain nang kain, party nang party, lamyerda nang lamyerda…

Hindi na mga nangahiya!

Wattafak!

Hindi pa natin nalilimutan ang “It’s more fun in the Philippines!”

061417 DOT tourism

‘Yan ang slogan ng DoT noong 2012 na noong unang lumabas ay biglang kumalat sa social media ang orihinal na pinagkopyahan ang “It’s more fun in Switzerland.”

Ang nasabing TVC ay ginamit ng Switzerland noong 1951.

Sinabing ang BBDO Guerrero advertising agency ang gumawa nito para sa Filipinas.

Siyempre, ipinagtanggol ng DoT na hindi kinopya ng ad agency ang nasabing TVC sa Switzerland.

Noong 17 Abril 2012, kinatigan ni Swiss ambassador to Manila Ivo Sieber ang tourism ads ng Filipinas.

Kasunod ito ng pahayag na ang Filipinas at Switzerland ay halos 150 taon nang magkaibigan.

‘Yun pala ‘yon!

Ngayon naman, mainit na pinag-uusapan na naman ang “Experience the Philippines!” TVC ng DoT.

Tungkol naman ito sa isang bulag na Japanese retiree na narito sa Filipinas at dito ipinasyang manirahan.

Sa umpisa ay hindi malalaman na bulag ang Japanese, mahihinuha ito sa huling bahagi ng TVC ads nang ilabas ang kanyang tungkod.

Ganitong-ganito ang ads na ginamit ng Sudan sa kanilang TVC noong 2014 — Meet South Africa — na kinatampukan din ng isang bulag na European male character kasama ang kanyang fiancée.

Iisa ang konsepto, iisa ang plot, iisa ang scene — lugar lang ang ipinagkaiba.

Ganoon din ang ending. Malalaman na bulag ang male character kapag inilabas niya ang kanyang tungkod.

As usual, pinag-uusapan na naman ito sa social media at inilabas ang TVC na ginamit ng Sudan.

Gusto na tuloy natin isipin na ito ay kasama sa estratehiya ng ad agency na kakontrata ng DoT.

Hindi kasi mapapansin ang ginawa nilang “Experience the Philippines!” kung hindi pag-uusapan at hindi magkakaroon ng kontrobersiya.

Sino na naman ang biktima?!

Ang kuwarta ng bayan at ang pinaiikot na sambayanan!

Wattafak!

Dapat nang busisiin ‘yang mga ad agency na nakukuha ng Department of Tourism!

‘Yun lang!

BASTOS AT AROGANTENG
KOREANO PALAYASIN SA BANSA

061417 PAGCOR casino lapu-lapu

GUSTO natin ipanawagan sa Intelligence Division ng Bureau of Immigration (BI) ang kahayupang ginawa ng isang grupo ng Koreano sa Pagcor Casino sa Maribago, Lapu-Lapu City.

Isa sa kanila ang nagwala at hinampas ng shoebox ang braso ng casino dealer doon na si Jhoanne Cristobal Mariano, 30 anyos.

Ang namalo ng shoebox ay si tarantadong SHUN HYUN SHIN, 40 anyos, kasama ang mga kapwa niya casino players din na sina HYUN JIN KIM at YEONG CHANG SONG pawang mga Koreano na sinasabing regular players sa Pagcor Casino sa Cebu.

Habang naglalaro ng baccarat ay nalasing as in lasing na lasing umano ang ungas na Koreano at nanggugulo sa kapwa casino players kaya minabuti ni Mariano na pagsabihan pero minasama ng nasabing senglot na dayuhan.

Walang kaabog-abog na dinampot ng gagong si Hyun Jin Kim ang nasa tabing shoebox at inihampas sa braso ng kaawa-awang biktima!

Wattafak?!

Dahil diyan ay nagkasugat at nagkaroon ng malaking pasa ang babaeng dealer kaya siya ay dinala sa pinakamalapit na pagamutan para malapatan ng lunas.

Wala talagang silbi ang mga security personnel ng mga casino sa totoo lang!

Isang pruweba na riyan ang nangyari sa Resorts World Hotel and Casino na sandamukal ang security personnel pero parang ‘sisiw’ lang na pinaglaruan ng gunman na si Jesse Javier Carlos!

Naging style na kasi sa mga casino sa bansa na bigyan ng maximum tolerance ang mga asal-aso na kanilang mga parokyano para maproteksiyonan ‘daw’ ang interes ng kompanya!

Pakengsyet!

Ito ang nagiging dahilan kung bakit nagiging asal-hayop ang ibang dayuhang customers lalo na kung nasasayaran na ng alak ang kanilang lalamunan.

Dapat din imbestigahan ng BI kung sakali ang VIP manager ng naturang casino na si DAI RAE LEE, isa ring Koreano, na siyang duty area manager nang mga oras na iyon!

I think it’s about time na supilin ang mga pang-aabuso at pambabastos na gaya nito, ng mga Koreano sa lahat ng mga casino.

Dito makikita ang totoong ugali nila lalo kung sila ay natatalo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *