KINONDENA ni Senador Antonio Trillanes IV ang naging direktiba ni Department of Justice ( DoJ) Secretary Vitaliano Aguirre sa National Bureau of Investigation ( NBI), na makipag-coordinate sa Interpol para sa pag-aresto kay dating SPO3 Arturo Lascañas.
Ayon kay Trillanes, maliwanag na panggigipit ang ginagawa ni Aguirre sa mga testigo na nagpapahayag ng laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Aniya, kitang-kitang ginigipit ng administrasyon ang dating testigong si Edgar Matobato, dating miyembro ng Davao Death Squad ( DDS), na siyang pumaslang sa mga sangkot sa illegal drugs sa Davao City.
Iginiit ni Trillanes, ang panggigipit kina Lascañas at Matobato ay patunay na nagsasabi ng totoo ang dalawa laban kay Pangulong Duterte.
(CYNTHIA MARTIN)