Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel, miyembro ng Muslim Royal Family

HINDI lahat ay pabor sa lantarang pagpunta at pagtulong  ni Angel Locsin sa mga biktima ng kaguluhan sa Marawi City. May mga pumupuri sa kanya at may bumabatikos din.

“When you do charity, do it quietly,” patutsada ng isang netizen.

Pero ipinagtanggol din si Angel na kahit gusto ng mga artista na ilihim ang ginagawa nilang pagtulong, hindi  maiiwasan na malaman ng iba lalo na ‘pag gaya ni  Angel na sikat ang makikita sa ganoong area. At least tumutulong daw Angel at nag-i-effort. Hindi na dapat kinu-question ng iba.

Hindi rin kagustuhan ni Angel na ipaalam ang pagtulong niya lalo’t dati na niyang ginagawa ang ganito. Nagkataon lang na nakunan siya ng media, ng larawan para kumalat sa social media.

Bukod, dito nandoon din ang mga media na nagco-cover kung ano ang nangyayari sa kaguluhan sa Marawi.

Sa mga hindi nakaaalam, member ang aktres ng Muslim Royal Family sa Marawi City, Lanao del Sur. In-adopt ng isang Prinsesa sa nasabing lugar ang  kanyang ina at isa sa 15 Sultanates  ang lolo  niya sa lugar.

Kahit  ang director ng My Love From The Star na si Joyce Bernal ay naniniwala sa senseridad ng pagtulong ni Angel. Hindi tipo ng aktres ‘yung papansin sa pagtulong sa mga nangangailangan.

Anyway patuloy pa rin  si Angel sa paglalagay ng hashtags na #Peace ForMarawiat #HelpMarawi.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …