Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nanalong MMA fighter binugbog ng fans

NASAKSIHAN ang hindi inaasahan at nakakikilabot na eksena sa Glory kickboxing event nitong nakaraang Sabado na ginanap sa Paris, France — dito makikita ang mga fans na sumugod at umakyat sa ring at sadyang binugbog ang Dutch-Surinamese mixed martial arts fighter na si Murthel Groenhart matapos pabagsakin ang kalabang si Harut Grigorian ng Talin, Armenia sa ikalawang round ng kanilang welterweight bout.

Nagpapalitan ng matitinding suntok at sipa ang dalawang mandirigma nang sa hindi pa malamang dahilan ay tinalikuran ni Grigorian ang kanyang katunggali saka nagsimulang maglakad patungo sa kanyang corner.

Agad sinundan ng Dutch-Surinamese champion ang kanyang kalaban at bumato ng malakas na kanan mula sa likod na tumama sa panga ni Grigorian at nagpabagsak sa lona sa Armenian fighter.

Ikinokonsiderang legal ang ginawa ni Groenhart dangan nga lang ay sinasabi ring hindi sportsmanlike.

Gayonpaman, iginawad kay Groehart ang ‘victory by TKO’ na masasabing ikinagalit ng mga fans.

Sa pagdiriwang ni Groenhart sa kanyang panalo, naganap ang hindi inaasahan!

Sumugod ang fans at sinalakay si Groehart habang nasa ibabaw ng ring. Isa sa mga sumugod na may kalakihan at mukhang sanay sa bugbugan ang nagawang suntukin ang Dutch-Surinamese sa mukha at katawan para pangambahang nabasag ang panga sanhi ng pag-atake.

Ayon sa trainer ni Grigorian na si Nicky Hemmers, tumalikod ang kanyang alaga sa gitna ng labanan dahil nasugatan siya, ngunit inamin din na hindi matiyak ang tunay na dahilan bakit ginawa ito ng Armenian fighter.

ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …

FGO Logo

Libreng seminar ng FGO Herbal Foundation

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Magandang araw po! Ang FGO Herbal Foundation ay …

Jennifer Boles

Jhen Boles deadma sa paninirang natatanggap

MATABILni John Fontanilla IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si  Jennifer Boles ang mga taong …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

DOST SOCCSKSARGEN DRRM RDRRMC XII

DOST XII RD Malawan and DRRM Focal Gain Awards during SOCCSKSARGEN DRRM Recognition Ceremony

The Regional Disaster Risk Reduction and Management Council XII, in partnership with the Office of …