HUMIRIT ng draw si reigning World’s No. 2 player GM Wesley So kay former World Champion GM Vladimir Kramnik ng Russia sa marathon 71-move ng Guioco Piano sa 5th Norway Chess 2017 sa Stavanger-region, Norway kahapon.
Nakaipon si 23-year-old So ng 1.5 puntos matapos ang round three sa event na may 10-player at ipinatutupad ang single round robin.
Kasalo si So sa six-way tie sa third na kinabi-bilangan ni reigning World Champion GM Magnus Carlsen ng Norway habang magkasalo sa top spot sina Kramnik at GM Hikaru Nakamura ng USA.
Si Kramnik na naging Classical champ mula 2000 hanggang 2006 ay namigay ng pawn sa opening upang kontrolin ang seventh rank at magkaroon ng kingside counterplay pero ibinalik din ng tubong Imus, Cavite, So ang piyesa upang maka-puwersa ng draw.
Inilista ni So ang pa-ngatlong sunod na draw, una siyang nakatabla kay Carlsen, pangalawa kay French Maxime Vachier-Lagrave.
Target ni Minnetonka, Minnesota-based chesser, So na sikwatin ang unang panalo kontra russian GM Sergey Karjakin sa round four. (ARABELA PRINCESS DAWA)