Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Red Robins kampeon sa Freego Cup

NAGHARI ang Mapua Red Robins sa 10th Freego Cup na ginanap sa Buddhacare gym sa Quezon City matapos magsanib-puwersa sina Brian Lacap at Warren Bonifacio.

Kumana si Lacap ng 21 points habang 17 ang tinipa ni Bonifacio para sa Red Robins na kinalos ang  La Salle Greenhills, 84-73.

Malaking bagay ang pagkakapanalo ng Mapua para paghandaan ang pagdepensa ng kanilang titulo sa NCAA juniors sa susunod na season.

Tumikada si Clint Escamis ng 15 puntos habang may 10 si Eric Jabel para sa Red Robins na nag top sa single-round eliminations tangan ang 7-1 card.

Umentra sa title match ang Mapua matapos  ma-forfeit ang  Jose Rizal University semis dahil mga injured ang key players nila.

Pinatalsik ng Greenies ang National University Bullpups, 97-92 sa semis.

Nahawakan ng LSGH ang 18-10 abante sa first canto, pero nakakuha ng momentum ang Red Robins sa second quarter upang makuha ang bandera sa halftime, 45-52.

Nirehistro ni Sydney Mosqueda ang  18 points para sa LSGH. (ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

Alex Eala

Eala winalis si Charaeva sa PH Women’s Open

SA inspirasyon ng home crowd at sa kabila ng pangamba sa posibleng injury, winalis ni …

NST-IAC BBM Pato Gregorio

National Sports Tourism Committee naglatag ng masigasig na estratehiya para sa paglago ng ekonomiya

MABILIS na umuusbong ang sports tourism bilang pinaka-dinamikong tagapaghatak ng pandaigdigang sports economy, at determinado …