PAMILYAR sa defending champion Cleveland Cavaliers ang kanilang sitwasyon, inilista nila ang unang panalo sa Game 4 ng 2016-17 National Basketball Association, (NBA) matapos ilubog ng Golden State Warriors sa kanilang best-of-seven finals.
Naging kauna-una-hang team sa kasaysayan ng NBA ang Cavaliers matapos umahon sa 1-3 pagkakabaon noong nakaraang season.
Ayon kay basketball superstar LeBron James sanay na sila sa ganitong senaryo kailangan lang maging matatag siya at ang kanyang tropa sa Cleveland upang masungkit ang back-to-back titles.
“They’ve got us where they want us,” saad ni four-time NBA MVP James na inamin na pagod na sa mga must-win games laban sa Golden State.
“Listen, at the end of the day, we just want to put ourselves in position to play another game. Getting swept is something that you never want to happen. So I think a lot of guys had it in their mind and came out and played like it.”
Nagtala si Kyrie Irving ng 40 points sa panalo ng Cavs sa Game 4 habang umukit muli ng historya si James matapos itarak ang record ninth Finals triple-double sa itinalang 31 puntos, 11 assists at 10 rebounds.
Sa Martes ang Game 5, walang nakasisiguro kung sino ang mananalo, ang tiyak lang ay parehong ibubuhos ng dalawang teams ang kanilang lakas upang makamit ang kanilang asam na titulo. (ARABELA PRINCESS DAWA)