Aries (April 18-May 13) Pagtuunan ng pansin hindi lamang ang nasa panlabas ngunit pati na ang nakatagong mga detalye.
Taurus (May 13-June 21) Maaaring may nakikita ang iba ngunit hindi mo nakikita dahil natatabunan ito ng iyong katigasan ng ulo.
Gemini (June 21-July 20) Magagamit mo ngayon ang iyong natural na kakayahan sa pagbabago ng iyong focus sa nagbabagong mga sirkumtansya.
Cancer (July 20-Aug. 10) Maaaring hindi mapigilan ang pangarap na bumiyahe sa malayong lugar.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Maaaring humarap ka sa komplikadong mga tungkulin sa iyong trabaho.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Ang iyong kakayahan sa pagtulong at pagsuporta sa diyalogo ang magiging susi ng tagumpay nito.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Maaaring maging emosyonal ka sa dadaluhang mga talakayan, pulong o reunion.
Scorpio (Nov. 23-29) Ikaw ay susundan ng tagumpay ano man ang iyong ginagawa ngayon.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Uubusin ng trabaho sa bahay gayondin sa negosyo ang iyong oras at lakas ngayon.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Dapat ituring ang lahat ng bagay bilang pagmumulan ng impormasyon, maaaring sa pakikipag-usap sa pamilya at kapitbahay, kasama at kliyente.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Ayon sa mga bituin, hindi pa naman taligid ang kalagayan ng iyong pananalapi kaya maaari mo pa ring mabili ang iyong mga nais.
Pisces (March 11-April 18) Maraming maiinggit sa iyong galing sa negosyo at sa pakikisama sa mga tao.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Ano man ang gawin ng iyong mga kakompetensya, hindi nila malalagpasan ang iyong galing.
ni Lady Dee