Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tsuwariwap blogger, tinalakan ni Mariel

NAGULAT kami sa post ni Mariel Rodriguez-Padilla na tumambad sa timeline namin noong isang araw dahil talagang tumatalak siya sa isang ‘tsuwariwap blogger’ na tinawag niyang stupid.

Kilala namin ng personal ang asawa ni Robin Padilla na hindi siya basta tumatalak ng walang matinding dahilan.

Hayun, isinulat pala ng tsuwariwap blogger na kasama si Robin sa entourage ni Mayor Rodrigo Duterte noong pumunta siya ng Russia at pera ng taxpayers ang ginastos nito.

Base sa post ni Mariel sa litratong kasama ang asawa sa group picture ng entourage ni PD30, “FYI, Robin Padilla paid for his airfare and hotel. He did not accept a position in the government, ticket pa kaya at pa hotel tatanggap siya?? hellooooooo! stupid ‘tsuwariwap’ blogger… Know your facts!? #wagiinitinuloko #puyatako #hindiakonatutulog.”

Hindi sa pagtatanggol din kay Robin na nakilala namin noong Utol Kong Hoodlum 2  (1992) days pa ay punumpuno ito ng prinsipyo na pakiramdam namin ay ito yata ang pinakain sa kanya ni Mommy Eva Padilla simula bata.

Maski walang-wala na ang aktor ay hinding-hindi ito tumatanggap ng suhol kaya naman may yabang siya kung magsalita dahil may ipagyayabang naman talaga.

Nagkamali itong si Tsuwariwap Blogger nang isulat na tumatanggap o gumamit ng pera ng kaban ng bayan si Robin dahil hinding-hindi mangyayari talaga iyon.

Sa rami ng nasa litratong ipinost nitong blogger ay bakit si Binoe ang napagdiskitahan niya, ang dami kaya roong kasama sa entourage na nagpapasarap sa kaban ng bayan.

Hay naku, ang daming naghihirap na mga Filipino sa buong bansa, mahiya naman itong mga nakikinabang sa kaban ng bayan na wala namang kinalaman sa pagsama kay Digong.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …