UMAASA ang mga fan ni Nora Aunor na baka sa pagkakataong ito ay maging national artist na ang kanilang idolo. Chairman ngNCCA si Virgilio Almario na noon ay nagpakita naman ng simpatiya sa dating superstar. Tapos ang presidente ngayon ngCultural Center ay ang actor at director na si Nick Lizaso, na may panahong naging close rin naman kay Nora. Kaya kung ang nomination lamang ang pag-uusapan, lamang na siyang mai-nominate ulit.
Ang kabilang anggulo naman na kailangan nilang tingnan ay iyong katotohanan na noong panahon ng eleksiyon, openly nagkampaya si Nora para kay Senadora Grace Poe. Isa pa, may panahong naiugnay ang pangalan ni Nora sa isang kaso ng droga sa US, at alam naman nating si Presidente Digong ay galit na galit sa droga. Sinasabi lang namin ang mga odd na kanilang haharapin kung sakali nga at magkakampanya sila para maging national artist si Nora. Hindi puwede riyan iyong gimmick na magra-rally sila sa Mendiola. Ganoon ba sila karami pa para makabuo ng isang rally?
HATAWAN – Ed de Leon