Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Baka isinilang na may ulo katulad ng tao, sinasamba bilang Hindu god sa India

SINASAMBA bilang Hindu god ang isang batang baka na isinilang na may human-like facial features.

Ang batang baka na isinilang sa animal shelter sa India, ay may mga mata, ilong at tainga na katulad sa tao, ngunit binawian ng buhay isang oras makaraan ipanganak

Nang kumalat ang balita ukol sa batang baka, dumagsa ang mga mga tao sa Muzaffarnager, Uttar Pradesh, northern India, sa paniniwalang ito ay avatar ni Lord Vishnu.

Sa video, makikitang inaalayan ng flower garland at niyuyukuan ang nasa-bing hayop, na inilagay sa glass box makaraan itong bawian ng buhay, bilang paghiling ng basbas.

Naniniwala ang mga residente na ang baka ay ‘Gokaran,’ ang 24 incarnations ni Lord Vishnu, at plano nilang igawa ito ng templo.

Sinabi ni Mahesh Kathuria, 50, local businessman, nagtungo para makita ang batang baka,” God has taken birth from the body of a local cow.

“We came here to seek his blessings. Religiously, it is an avatar of Vishnu. We believe it’s a similar character mentioned in Bhagavata Puran, a Hindu religious text.”

Habang sinabi ni Raja Bhaiya Mishra, 55, ng manager ng cow shelter, “It’s a miracle that the calf was born in this shelter.

“Thousands of people have been here to see it. We will be cremating him in three days and a temple will be built for him.

“This avatar has most definitely created a devotion feeling amongst the people.”

Idinagdag niyang ang ina ng batang baka ay sinagip sa katayan at dinala sa shelter, anim buwan na ang nakararaan bago ito nabuntis.

Gayonman, iba ang pananaw ng animal health experts hinggil sa pagsilang ng batang bata, at ibinasura ang ano mang mga pa-mahiin na bumabalot ito.

Sinabi ni Dr. Ajay Deshmukh, senior veterinary doctor, sa Wildlife SOS, sa India, “This is a case of an anatomical anomaly.

“If a gene didn’t deve-lop properly or there was a fault, it causes multiple structural deformities, and such anomalies happen.”

(mirror.co.uk)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …

FGO Logo

Libreng seminar ng FGO Herbal Foundation

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Magandang araw po! Ang FGO Herbal Foundation ay …

Jennifer Boles

Jhen Boles deadma sa paninirang natatanggap

MATABILni John Fontanilla IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si  Jennifer Boles ang mga taong …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

NUSTAR Online Sinulog

NUSTAR Online binigyang parangal Pista ng Sinulog, nagbigay-serbisyo sa mga taga-Talisay

HABANG ang mga kalsada sa Cebu ay buhay na buhay sa sayawan, kantahan, at bonggang …